Chapter 27

5.2K 89 1
                                    

*****

Napadilat ako sa gulat nang biglang may kumagat sa tainga ko. When I checked the time on the wall clock with one eye, it was only 1:12 in the morning at nagsisimula na namang mangulit itong asawa ko.

Ewan ko ba dito kay Abby. Napapadalas ang paggising niya sa madaling-araw. Kung hindi kakagatin ang tainga ko eh panay naman ang pisil niya sa ilong ko. There was even a time na bigla niya na lang kinagat ang chin ko habang natutulog pa ako at halos mapasigaw ako sa gulat noon nang magising pero tinawanan niya lang ang reaksyon ko. Di ko naman magawang sigawan o magalit sa kanya dahil siguradong magtatampo na naman siya at baka sa guestroom na naman ako patulugin. Tapos sinabi niya lang sa akin na nagugutom siya and she wanted me to cook for her.

For Pete's sake! Madaling-araw na madaling-araw ay nagluluto ako. And there were times na nagyayaya siyang lumabas para bumili lang ng mga gusto niyang kainin. Minsan bigla na lang siyang tatawag sa office at magpapabili ng mga gusto niyang kainin at dapat maihatid ko sa kanya ang mga iyon bago matapos iyong allotted time niya.

Napansin ko rin na madalas niyang paglaruan ang mukha at tainga ko or biglang hahalik sa mga labi ko at biglang kakagatin ang lower lip ko na para bang nanggigigil siya sa akin. Nagpunta pa siya sa office ko minsan para lang amuy-amuyin ako dahil nami-miss na raw niya ang amoy ko. Pinaglalagyan pa niya ng kung anu-ano ang mukha ko one time. Makeup and wigs! Tangina! Kapag di ko naman pinagbiyan ay biglang magtatampo at di ako iimikan.

Seriously, I knew something's off about her. She was acting so weird. Gusto ko na ngang magpahanap ng albularyo or espiritista dahil tingin ko ay sinasapian siya.

My eyes were still closed. Hinila ko siya at idinapa sa ibabaw ko saka niyakap ng mahigpit. Alam kong may pabor na naman siyang hihingin this time. She was trying to get out of my tight embrace pero mas lalo ko pa siyang isinisik sa katawan ko. I smiled. Kung malakas siyang magtrip ay masarap din siyang pagtripan.

"Dàmn it, Montreal! Hindi ako makahinga!" inis na saad niya sabay suntok sa braso ko.

Ngumiti ako at niluwagan ang yakap ko sa kanya. "Ssssshhhh... Sleep pa, honey." I said smiling.

"Pano ba ako makakatulog kung nagugutom ako?"

Sinasabi ko na nga ba!

"Honey ko, bili tayo ng chocolate chip cookies, marshmallows, saka quarter pounder burger at hot chocolate drink. Sige na, honey ko. Kain naman tayo, please?" paglalambing niya.

Tiningnan ko lang siya gamit ang isang mata sabay pikit ulit. Ang kulit talaga nitong asawa ko eh. May anaconda yata ito sa tiyan eh. Lagi na lang gutom.

"Gab! Hoy! Honey!" untag niya pero di pa rin ako kumibo. "Gabriel, ano ba?! I want to eat!" She inhaled deeply. "Gabriel Joaquin Montreal! Urrrgggh! Aaah!" inis na sigaw niya saka biglang kinagat ang dibdib ko kaya bigla akong napadilat at napahiwalay sa kanya.

"Awwww!" Napaupo ako bigla sa kama kasama siya.

Pinagsasabunutan niya ang buhok ko dahil sa inis saka nag-iiyak. "I hate you! I hate you!" umiiyak na sigaw niya.

I caught her hands. "I love you! I love you!" sagot kong nakangiti. I kissed her lips but I was surprised when she bit my lower lip kaya napahiwalay ako sa kanya. "Awww.... Honey naman! Pudpod na mga labi ko sa kakakagat mo. Kakatulog lang natin, gising ka na agad. Di ka naman dating ganito ah."

"Ewan ko sa iyo! Diyan ka na! Pupunta na lang ako kila Papa! Ayoko na sa iyo! Nakakabwisit ka!" inis na inis na sabi niya at tangkang bababa mula sa kama pero bago pa man siya makalayo ay hinila ko na siya pabalik at iniupo sa hita ko. Nakanguso siya at umiiyak na naman.

Faded Memories (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon