Chapter 28

5K 86 1
                                    

It's been a week since we had our new year family reunion. Isang linggo ko na rin binabantayan ang mga ikinikilos ni Abby dahil aminado ako na napa-paranoid ako na baka anytime ay bigla na lang bumalik ang lahat ng mga alaala niya. She's still on her second month of pregnancy kaya grabe pa rin ang paglilihi niya at ang dami-dami niyang mga pinaglilihian.

Now I was confused while watching her. She was separating the fruits on her plate according to their kind.

"Honey ko, pahinging soy sauce, please?" she said afterwards.

Nanlaki ang mga mata ko. "What? No, Abby."

Bigla siyang tumigil sa pagsubo ng ni-request niyang mixed fresh fruits for breakfast at inilapag sa pinggan ang hawak niyang tinidor.

Tuwang-tuwa pa naman ako kanina dahil sa wakas ay normal na pagkain ang ni-request niya sa akin na gusto niya raw kainin this morning tapos ngayon maghahanap siya ng soy sauce? Di ako magtataka kung mamaya ay magsusuka na naman siya.

"Ayoko nang kumain," nakayukong sabi niya at naiiyak na naman ang boses.

I took a deep breath and sighed. Nagtatampo na naman iyan. Lumapit ako sa kanya at umupo sa katabi niyang silya. "Wag nang umiyak, Abby. Natatakot lang ako na baka dahil sa kakakain mo ng kung anu-ano eh baka magsuka ka na naman mamaya." I caressed her cheek. "Di ka ba naaawa kay baby? Magugutom siya kasi ayaw mo siyang pakainin."

Nag-angat siya ng tingin sa akin habang nakalabi. "Gusto ni baby i-dip ko sa soy sauce ang orange saka ang melon. Tapos itong banana later ko kakainin kasi lalagyan ko ng peanut butter. At itong papaya, gusto ni baby na i-dip ko sa nutella. Sige na, honey ko, please?" Hinalikan pa niya ako sa mga labi.

Taena, eto na naman eh. Alam niya na kapag naglalambing siya nang ganito eh di ko siya matatanggihan. Her sweetness is my weakness and she's always using it against me to always get what she wanted.

"I hate you, Abby, when you're doing that to me."

Her brow raised. "Weh? Talaga lang, Montreal?" Ngumisi siya. "Ayaw mong ginaganito kita?" she whispered seductively while sliding her palm on my thigh up to my groín.

My eyes widened. I grabbed her hand quickly. "Dàmn it, Abby, nanunukso ka na naman eh. Kakatapos lang natin kanina. Gusto mo wag na kita pababain ng kama?"

Bigla siyang tumawa ng malakas. Naa-amaze talaga ako sa bilis ng pagbabago ng moods niya. Hindi naman kasi siya ganito noong nagbuntis siya ng dalawang beses dati. Halos wala ngang signs doon sa una aside sa nakita ko siyang nagsuka once. No signs and symptoms din doon sa pangalawa kaya di ko alam na buntis na pala siya noon.

"Weak, Montreal. Weak!" she teased.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Weak? Talaga lang?" I stood up and immediately carried her in my arms.

Napatili siya sa ginawa ko habang tumatawa. "Put me down, Gab! Oo na, you've proven your point." She kissed my lips. "Kakain na ako. Gutom na kami ni baby," she said, pouting.

I put her down her chair again and pecked her lips. "No soy sauce."

She pouted again. "Pero—Sige na nga, nutella na lang instead of soy sauce."

And I was surprised dahil hindi na siya nakipagtalo. First time iyon ah. Nginitian ko siya.

"Ketchup na lang, Gab," nakangising pahabol niya.

I gave her a warning look. "Abby!"

Lalo pa siyang ngumisi. "Joke lang!"

Napailing na lang ako. I took the jar of nutella and gave it to her. Parang siyang batang tuwang-tuwa nang iabot ko na iyon sa kanya. Good thing na addicted siya sa chocolates because I've read from the internet that new studies have shown that pregnant women who eat chocolate every day during pregnancy have babies who show less fear and smile and laugh more often at six months of age. And Dra. Suarez said that pregnant women who eat five or more servings of chocolate each week during their third trimester have a 40% lower risk of developing the dangerous high blood pressure condition known as preeclampsia. Kaya di ako masyadong worried kahit request siya nang request ng chocolates araw-araw.

Faded Memories (Complete)Where stories live. Discover now