Chapter 6

6.5K 137 2
                                    

Iyak ako nang iyak sa harap ni Monique Sinabi ko sa kanya ang nangyari kagabi at ang tungkol sa mga pictures na nakita ko sa closet ni Gab. Nagpasundo ako kanina sa kanya sa bahay. Hirap akong maglakad kaya nagpaakay ako sa kanya.

"Dàmn! I can't believe this! I can't believe that Gab can actually do that to you! Tingnan mo nga iyang sarili mo, para kang battered wife! Ang sama niya! Walang puso! Nagtanong man lang ba siya sa 'yo about those effing pictures?!" Galit na galit talaga siya.

Umiling ako.

She looked at the ceiling. "Ay pakshet! Magaling, Gabriel! Hari ka nga ng mga paker pero hari ka rin ng katangahan! Nasa iyo na ang korona, bigyan pa kita ng kapa para kumpleto na! Gagu ka!" Tumingin siya sa akin. "Mas naniniwala pa siya sa mga pictures na iyon? Siya na nga iyong nakauna sa 'yo at halos laspagin ka na nga niya, may gana pa siyang pag-isipan ka ng gano'n! Ang kapal kapal kapal ng mukha niya, Bess!"

"Nicz, ano'ng gagawin ko? Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang side ko?" hagulgol ko.

Bumuntong-hininga siya at lumapit sa akin. She hugged me tight. "Abby, hiwalayan mo na kasi. Di na uso ang martir ngayon. Madadamay lang si baby eh."

I touched my tummy. In my mind, I was saying sorry to my baby in behalf of his daddy.

******

I'm here in Travis' pad with Calix and Gomer. After what I did to Abby last night ay iniwan ko lang siya. She deserved it. She's a slùt. I still can't believe na ganoong uri ng babae ang napang-asawa ko. Akala ko matino siya. Akala ko ako lang ang lalaking mamahalin niya! Búllshít! Katulad lang din pala siya ng mga babaeng naikama ko na.

Nagbago na sana ang feelings ko para sa kanya noong college kami. But someone sent me those pictures of her while having séx with different guys. Parang niyanig ang mundo ko sa mga nakita ko. Hindi ko matanggap iyon that time. Abby was so firm and proper, parang di makabasag-pinggan. Pero nasa loob pala ang kulo niya. Akala ko ako lang ang makakagalaw sa kanya. Meron pa pala at iba't-ibang lalaki pa. Dapat lang sa kanya ang ginawa ko bilang parusa sa panloloko niya sa akin. Kulang pa nga iyon kung tutuusin.

"Dude! Malalim yata ang iniisip mo? Tulala ka eh," untag ni Gomer.

Hindi ko alam. Isang taon na sa akin ang mga pictures na iyon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko tungkol kay Abby. That's the true reason kaya nagalit ako sa kanya noon at kung bakit ayaw ko talaga siyang pakasalan dati.

"Wala," walang ganang sagot ko.

"Is that Abby?" tanong pa niya pero di ako kumibo.

"Alam mo, dude, ang swerte mo diyan sa asawa mo. Maganda, mabait, masipag, at higit sa lahat eh maasikaso. Hindi ko alam kung paano niya nasisikmura iyang pag-uugali mo. Actually di siya bagay sa 'yo kasi sobrang bait niya samantalang ikaw ang gago-gago mo," dagdag pa niya kaya nagtawanan sila Travis at Calix.

Kung alam lang nila. Tangna!

"Alam mo ba'ng crush ko yang si Abby dati? Gaganda pa ng mga paintings niya. Talented. Maganda at mabait. Matalino pa," sabi naman ni Calix.

Umirap ako. "Eh kung gusto n'yo de sa inyo na! Pùtangina!" singhal ko sa kanila.

Gomer's jaw tightened. "Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Gab! Ayaw kong manghimasok sa buhay mag-asawa niyo. Pero sa oras na malaman kong sinasaktan mo si Abby, ako mismo ang makakalaban mo!" biglang seryosong saad ni Gomer. He gave me a threatening look.

Umiwas ako ng tingin mula sa kanya. Tsssss...wala akong pakialam.

Ever since ay napaka-protective na niya kay Abby. I know how much he cares for her. They are almost siblings and he loves her like she's his own sister. Abby's parents adopted Gomer when his mother died.

Faded Memories (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant