Kabanata 1

585 132 122
                                    

Kabanata 1
Unexpected



LAINE POV

ISANG bagay lang naman ang lagi kong nagagawa, at ayun ay magnakaw. Tama, pangit man ang ginamit kong term pero totoo, lagi nalang akong nagnanakaw ng tingin sa matalik kong kaibigan. Si Zake Nathan N. Bellin.

Katulad ngayon, naka halumbaba ako habang kasalukuyang nakatitig sa kaniya.

"Alam mo bang nakakainis ka?"
Bulong ko. Dinuro duro ko pa siya habang nakasalampak ang ulo niya sa lamesa.

Nasa library kasi kami ngayon. Imbis magreview sa recitation namin na magaganap mayamaya, natulog pa ang loko.
May stock knowledge naman daw siya.

"Ang manhid mo talaga noh? Alam mo bang mahal na kita. Bakit kasi ang gwapo mo? ang dami tuloy ibang tumitingin sayo psh!"
Bulong ko. Mahirap na baka marinig niya.

Kung sambunutan ko kaya 'to nang magising?

"Lagi ko nalang ba masasabi 'to kapag tulog ka?" mas lalo 'kong tinignan ang itsura niyang natutulog. Tsk tsk tsk kakaiba talaga, parang mas makinis pa siya sa'kin. Wala man lang ka-pores pores.

"Laine!"
Napalingon ako sa biglang tumawag sa'kin. Nandito din pala ang kaklase ko, Hindi ko siya close pero ewan ko kung bakit niya ako tinawag.

"Edi sabihin mo mismo sa harap ko." Parang nanigas bigla ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses niyang 'yon.
Dahan dahan akong lumingon sa katabi ko at- hindi nga ko nagkakamali!

"ahhh a-ano?"
Nauutal kong tanong. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala akong mahanap na salita para sabihin.
Nakangiti siya ng malapad sa'kin na  para bang ikinatutuwa niya ang narinig niyang 'yun.

Langya!
Narinig niya? Sabihin niyo sakin narinig niya ba?!

"Oh? diba may sinasabi ka?" Niloloko ako ng mga ngiti niya. Bakit ba ganyan siya kung makangiti?

Kinaltukan ko nga. Jusko! dapat huwag kang magpahalata Laine. Tama!

"loko! Ako? may sinasabi? Wala ah! Nanahimik ako dito eh" patay malisya kong sabi.
Matapos kong makapagsalita ay tumalikod ako at hinawakan ang dibdib ko.

Narinig ko pa siyang tumawa.

Napapikit ako dahil ramdam na ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Sasabog na yata.

Patakbo kong tinungo ang pintuan kung saan palabas na ito ng library. Bakit ba ako tumatakbo? lalo akong mahahalata niyan eh!

Shocks naman kase! baka narinig nga niya! Tinakpan ko ang bibig ko at sinubukan pigilan ang impit na pagtiling lumalabas sa bibig ko.

Ang sarap magpakain sa lupa! As in now na!! Hindi ko kakayaning mag-explain once na tinanong niya 'ko kung kailan pa? bakit siya? anong meron siya? Hindi ko kayaaaaa!

"Pano kapag narinig niya pala? Laine naman!" nasapok ko ang noo ko habang bumubulong.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now