Kabanata 19

181 73 3
                                    

Kabanata 19
Maghiwalay na tayo


LAINE POV

Napabuntong hininga ako. Wala kaming nagawa kundi ang magsiksikan sa loob ng sasakyan. Mabuti na nga lang at hindi na out of place si Zake. Nakikitawa nalang siya kahit papaano.

Si Army naman kulang nalang magmakaawa para layuan siya ni Cedric. Nakakaintriga ang tungkol sa kanila, magkaano-ano kaya ang dalawang 'yon?

"Saan tayo mags-stay?" tanong ni Army matapos niyang maibaba ang dala niyang maleta. Nakapamewang pa siya habang nagtatanong.

Gusto ko siyang tawanan. Bakit kung makapagdala siya ng gamit parang hindi na siya makakauwi?

Ang advance niya mag-isip ha!

"I have tents para wala ng gastos." tamad na sagot ni Kenzo. Kasabay ng pasimpleng pag-akbay niya sa'kin habang nagsasalita.

"Kanina ka pa!" agad kong tinabig ang kamay niya at nilayo ang sarili ko sa kanya. Kung makaakbay naman siya! tinalo ko pa sabitan, e.

"Tara na, Laine."

Nagulat ako dahil hinila ni Zake ang kamay ko. Ewan ko ba pero kakaiba ang nararamdaman ko nang magkadikit ang balat naming dalawa.

Habang nauuna siyang maglakad, hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya at sa baba kung saan nakikita ko ang kamay naming magkahawak. Hindi ko na yata nararamdaman ang pagiingay ng dibdib ko pero binabalot naman ako ng sobrang pakailang kapag nandyan siya. Paano ko pa siya makakausap ng maayos niyan?

"Hoy!" sigaw ni Kenzo.

Pasimpleng kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang tawa ni Zake. Napalunok ako. Medyo nailang lang ako kasi humabol si Kenzo at hinawakan ang isang kamay ko.

Bakit ba lagi nalang ako nakakaramdam ng pagkailang ngayon?

ARMY POV

"Tss. Love triangle ba sila?"

Narinig kong tanong nitong katabi ko habang pinapanood ang tatlo na magkakahawak ang kamay.

Totoo. Ang weird lang nila.

"Oo, pero sa'kin lang si Kenzo."
Pagbibiro ko. Akmang susunod na 'ko sa naunang tatlo kaso pinigilan niya ako.

"Hahabol ka pa? Magiging love square na kayo tapos hahabulin pa kita. Ano 'to? As if we're in a TV show." puno ng panunuya ang boses niya. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa'kin matapos niyang sabihin 'yon. Pakiramdam ko may bumara bigla sa lalamunan ko.

Stop it, Army!

"B-bakit mo naman ako hahabulin?" nautal kong tanong.

Omygosh! Why am I feeling this way? This is so sudden. I am not sick. But-goshh its disgusting!

I saw him smirked.

"Syempre alangan namang habulin ko 'yong lalaki 'di ba? Stupid Army." kunot ang noo niya.

Lahat ng nararamdaman ko kanina biglang nawala, lahat naglaho. Binabawi ko na siguro, nag-iinit lang naman talaga ang ulo ko sa kanya.

"What? Did you just call me stupid?" naiirita kong tanong dahil sa nakakainsulto niyang salita.
Mas lalo lang siyang ngumisi. Cut that smirk! He's starting getting into my nerves!

"Stupid na nga bingi pa, tsk! Are you really a human? Kaya ka siguro pinapamigay ng pamilya-"

Nanginig bigla ang kamay ko at hindi inaasahang masampal siya.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now