Chapter 51: Reminisce

38 7 1
                                    

Laine POV

"Wait haha ginagawa ko na kasi to"
Natatawang inipit ko ang cellphone ko sa pagitan ng aking balikat at tenga. Paano ba naman gusto niya magkausap daw kami hanggang sa makatulog siya.

Ngayon niya pa ko kinukulit, nasaktuhan pa dahil tinatapos ko na ang pinamigay na gawain kahapon sa math.

Mabuti na nga lang dahil wala pala kaming math kanina kaya hanggang ngayon pwede pang ipagpatuloy.
Dating gawi ang ginawa namin kanina, halos kaming dalawa lang ni Kenzo ang magkausap buong araw, gusto niya daw walang masasayang na segundong kausap niya ko.

Mabilis kong tinapos ang ginagawa ko.
Humiga ako sa kama at hinawakan ang cellphone ko habang nanatiling nakadikit ito sa tainga ko.

"Uy nasan ka na? Nandyan ka pa?"
Niyakap ko ang malapad na unan na nasa tabi ko. Napangiti ako dahil naririnig ko ang bawat paghinga niya sa kabilang linya.

"uy Kenzo"
Muling pagtawag ko sa kaniya.

(Hmm please just talk)
Mukhang inaantok na ang isang to.

"Ano namang gusto mong sabihin ko? Tutulugan mo lang naman yata ako eh"
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Ang sarap sa pandinig ng ginagawa niya.

(I will never do that. Just talk. kahit ano.. Uhm tell me about your first impression to me.)
Habang sinasabi niya yun ay nakahawak lang ako sa kwintas na binigay niya sa'kin. Simula nang matanggap ko ito ay hindi ko na tinanggal pa

"Mahaba yun Kenzo haha pero gusto mo ba talagang malaman? Mas maganda kung personal kong sasabihin sayo para dama mo haha"
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw nang bumalik sa normal ang pisngi ko. Unat na unat na ito dahil sa malalaking ngiti ko.

(Then maybe I'll go there just to let you talk haha)
Mabilis na sagot niya.

"Hindi na. Mapapagod ka lang tsaka gabi na haha"
Natatawang sabi ko, baka kasi pumunta talaga siya. Iba pa naman ang isang to kapag hinahamon.

(Then tell me a story from the start we met. I would definitely love to here all of those)
Hindi ko man siya nakikita pero nararamdaman kong nakangiti din siya.
Tumingin ako sa kisame at inalala ang una naming pagkikita.

"Una palang kitang nakita.. Nayabangan na ako sa'yo, biruin mo 'yun, hindi mo pa ako nalalapitan at may layo ka sa'kin na isang metro pero nagawa mo akong husgahan na amoy pawis ako"
Napasimangot ako nang maalala ang araw na iyon. Ang araw na sobrang na conscious ako sa amoy ko dahil sa sinabi niya.

Pero siya, narinig kong tumatawa sa kabilang linya.

"Inaamin ko na nagwapuhan ako nung araw na 'yon pero bagsak ka pagdating sa ugali. Hahahaha kaya inasar din kita"
Nag-init bigla ang mukha ko dahil naalala ko ang ginawa kong pang-asar sa kaniya.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now