Kabanata 22

107 71 3
                                    

Kabanata 22
Introduce yourself



LAINE POV


Pinagmasdan ko si Cedric na kausap pa rin si Army. Walang katapusan ang bayangan nila dahil pare pareho kaming hindi makapaniwala na lumipat si Cedric ng school ngayon dito. Nakita ko kung paano kulitin ni Army si Cedric para lang huwag makapasok dito kanina.

"Sino siya, Laine?"  

Nabalik ang atensyon ko kay Raine dahil sa pagtatanong niya. 

"Si Cedric. Kagaya mo, transferee din yata." I shrugged my shoulders. 

I heard Kenzo's tsked after he shook his head. Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan sa tabi ko. Baka magbangayan lang din kami kapag kinausap ko pa siya. Sinong lalaki ba naman ang magsasabing boyfriend ko siya? Siya lang.

Nang maalala ko si Zake ay agad ko siyang hinanap. Kunot noo kong nilibot ang mata ko sa kabuuan ng room namin ngunit wala pa rin siya dito. Saan naman siya pupunta? 

"Raine." tawag ko sa kaibigan. She look at me with the usual reaction, her big smile is already evident. Lagi siyang ganiyan, seems no problem at all kaya naman namiss ko talaga siya ng sobra.

Nawala ang atensyon ko kay Raine dahil naramdaman ko ang paggalaw ng katabi kong si Kenzo. I saw him stood up and whispered that he'll just go talk to Cedric.

"Don't worry, it won't take long." sabi pa niya na paniguradong narinig ni Raine. I just rolled my eyes, as if I'll look for him. Kahit buong araw pa sila mag-usap ng pinsan niya, e. 

Mag-sasalita palang sana ako nang kumindat siya at umalis.

"Ayieee girl! Marami kang dapat i-kwento sa'kin!" puno ng panunukso ang pinakita sa akin ng kaibigan. 

Tumawa nalang ako at umiling. 

"May chika pala ako. 'Di ba alam mo namang kapatid ko si kuya?" I asked. She crossed her arms and laughed sarcastically.

"Natural! Duh! parang hindi ko nama-"

"May kambal ako.I cut her. 

Kahit maingay ang babaeng ito hindi ko siya kailanman pinagdudahan pagkatiwalaan. She had been my best friend ever since that's why I know how she can keep a secret. 

Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas bago manlaki ang mata niya na para bang ngayon palang naproseso sa utak niya ang sinabi ko.

"Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya. Sabi ko na nga ba hindi siya maniniwala. Sino ba naman kasing maniniwala na may kambal ako, e sa buong buhay na magkasama kami dati she only knows that I am only child.

"Si Zake." I softly said as I saw Zake walking towards us. Kung kailan naman pinag-uusapan namin siya tsaka naman darating.

Bumaba ang tingin ko sa uniporme niyang hindi na kasing unat kumpara kanina. I wonder where he had been through. 

Bumaling ako kay Raine at huli na nang makita kong mabilis siyang tumayo at sinalubong si Zake. Pakiramdam ko nabalewa bigla ang sinabi ko sa kaniya ngayon ngayon lang.

"ZAKE!"
Masiglang tawag ni Raine kay Zake. Kumaway kaway pa siya dito. Ganon din naman ang ginawa ni Zake, lumapit siya s amin at nakipag apir kay Raine.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now