Kabanata 17

148 79 13
                                    

Kabanata 17
I'm sorry


LAINE POV

Nauna na akong umuwi sa bahay matapos nilang mapagdesisyunan na pumunta sa Baguio. Sabi kasi ni Kenzo, una pa lang daw ito na ang naging plano nila ni Zake. Kaya nagkanya kanya muna kami ng uwi para makakuha ng gamit. Kung bakit kasi ang layo layo ng gusto nilang puntahan sa Baguio pa talaga?

Nagsimula akong mataranta nang makita ko ang gate ng bahay namin. Naiisip ko palang ang naging sagutan namin kahapon, kinakabahan na ako. Kumakabog nang husto ang dibdib ko.

Tuluyan akong pumasok at huminto muna sa pinto. Seryoso ang kaba ko. Hindi ko talaga alam kung kakatok ako or what. Letse! Nahihiya ako kay mama. Sobra!

Huminga ako nang malalim habang itinatapat ko ang kamay sa pinto. I don't have any choice. Kumatok ako ng tatlong beses. Naghintay ako ng ilang segundo pero mukhang walang nakarinig kaya kumatok ulit ako nang mas malakas.

Bakit ba ang tagal buksan? May tao ba dito?

Sinubukan kong pihitin ang doorknob, natampal ko bigla ang sarili kong noo nang mabuksan ko ito. Jusq! bukas naman pala may pagkatok pa akong nalalaman.

"Hoyy psst!"
Nagulat ako nang makita si kuya. Pagkapasok na pagkapasok ko palang siya na ang bumungad sa'kin.

Nandito naman pala si kuya bakit hindi niya ako pinagbuksan ng pinto?? Mukhang siya lang nandito sa bahay, e siya ang nagluluto.

"Si m-mama?"
Kinakabahang tanong ko. He just shrugged. Hindi ko na nitanong kung bakit pinaghintay niya ako sa labas at hinayaang kumatok gayong nandito naman pala siya sa loob dahil sa kaba.

"Sabi niya may kailangan daw siyang asikasuhin."
Pumunta siya sa harap ko nang matapos siya sa ginagawa niya.

Napangiti ako nang yakapin niya 'ko.
"Saan ka nagpunta? Akala ko hindi ka na naman uuwi, e." Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kaniya. I miss him.
Parang ang sarap maramdaman ng yakap ng totoong taong hindi ka iiwan. Kahit na lagi kaming nagaasaran.

"Oh tama na. Nasarapan? Nasarapan?"
Tinulak ko si kuya at nagmake face dahil sa pang aasar niya na naman.

"Ang gwapoo nakakainlove!"
Pabirong hiyaw ko. Ginaya ko ang mga nakikita kong mukha ng ibang babae kapag kinikilig sila. Note the sarcasm!

Tumawa kaming dalawa.

"Kamusta?"
He asked me out of the blue. Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niyang yan. Bakit ang seryoso niya ngayong oras? Hindi ako sanay.

Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at huminga ng malalim.

"Kuya, alam mo bang ang gulo gulo ng lahat? Mahal ko pa talaga ang naging kapatid ko."
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabila ng malungkot kong pagninimula. Akala ko pa naman seryoso siya sa lagay na yan. Nakuha pang tumawa.

"Stupid. Lahat naman ganyan, e. Nagmamahalan lahat ng magkakapatid. Bakit hindi mo ba ko mahal ha? ha?"
Napakamot ako sa leeg ko. Magkaiba naman kasi ang iniisip niya sa sinasabi ko.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now