Chapter 24: New Classmate ulit??

118 69 2
                                    



Laine POV



Nagising ako dahil sa hilik ng babaeng katabi ko.
Hindi naman halatang puyat siya sa kwentuhan namin kagabi ah. Nasabi ko na sa kanya lahat pati yung fake relationship ko with Ken, yung about sa kapatid thingy at tungkol na rin sa mga nangyayari sa buhay ko pero siya wala man lang nakwento sakin ni isa.


Tinitigan ko yung mukha ng babaeng kaharap ko.
Tulog mantika talaga. She even treated me as her own sister. I really miss my bestfriend. Una ko siyang nakilala bago si Zake kaya ganon nalang kami kaclose.


"Hoyy Raine Salvador gising na!!"
Niyugyog ko sya ng bahagya pero tinalikuran lang ako at nagtalukbong. Psh tignan mo tong babaeng to!


"Raineee!!!"
Pero mistulang wala siyang naririnig. Siguro mga 1 na ng umaga kami nakatulog.

Pumasok na ko ng cr, maaga pa naman. yung Regular kasi na pasok namin is 8am-3pm. Ewan ko ba yung common kasi na time ng estyudante ay 6am-12 or 12pm-5pm maliban nalang kung whole day. Ang unique ata ng oras namin masyado.

Nang matapos akong maligo magse-7 na ng umaga but still tulog pa rin ang loka.


"Huyy Raine gising na, ang kulett!!"
Mas nilakasan ko na ngayon yung yugyog ko sa kaniya.

"Hmmm mamaya na Bes"
Nakasimangot na tugon niya sakin.


"Malelate tayo niyan eh!!"
Kumuha ako ng isang tabo ng tubig at winisik wisik yun sa mukha niya.
Ayaw mo gumising ha!


"Arhch puuff ANO BA LAINEE!!!"
Napabangon siya at sinamaan ako ng tingin.


"Kanina ka pa ginigising eh!"
Humiga ulit siya at nagtalukbong. Bahala ka.





Army POV


"Dad papasok na ko"
I boredly said while playing my car's key along with my hand.


"Ok take care honey. Anyway put down that key, Cedric will drive you"
I secretly rolled my eyes. Hmp! Lagi nalang Cedric! Cedric! Cedric. Siya ba yung anak nila?! Diba ako?

Hindi na ko nakipagtalo dahil alam kong papagalitan lang nila ko.
Walang ganang lumabas ako nang gate na saktong kakarating lang ni Ced.


"Hop in"
Dala dala nanaman niya yung kotse niyang isa lang ang pinto. Yeah! Yung kotseng tinatalunan para makapasok.

Walang nagsasalita habang nasa byahe.
Silence obviously eat us. For sure naman na kapag sinimulan ko yung topic hanggang pagpasok magbabangayan lang kami nakakapagod lang.



"Hindi mo ko hinintay kahapon. I have a deal with your dad, You should be with me before and after school"
Hindi ko siya pinansin at tumingin nalang sa bintana.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now