Chapter 42: Hospital

94 43 0
                                    



Laine POV



Im in the car right now when suddenly I heard some unfamiliar noise. It seems coming outside the car but I didn't managed to give that my attention.

Hindi ko alam kung bakit ako nag-E-English pero NABABADTRIP AKO!

"Tsk tsk tsk"

Napatingin ako kay kuya na kanina pa napapatingin sa labas ng taxi niya.

"Mukhang mauubusan pa tayo ng gas ah"
Iiling iling na sabi niya.

He continue crossing the road when suddenly it stops.

"Patay"
Mahinang bulong niya.
Wag mong sabihing bababa na ko dito?
'Wala akong sense of direction'


"Kuya hindi na po ba kaya?"
Gumilid siya sa isang eskinita. Hininto niya yung kotse at lumabas. Nasapok ko yung sarili kong noo, haysss! pano na ko nito?


Lumabas din ako at tinignan si manong driver. "Iha, kung gusto mo ay ipapara nalang kita ng isa pang taxi" pangungumbinsi niya. Tinignan ko yung paligid at halos manghinayang ako ng puro tricycle yung mga dumadaan.

"Meron pa po bang dadaan dito?" lumingon lingon siya sa paligid bago humarap sakin


"Ayun nga din ang nasa isip ko. Jusko paano kaya ito?" kumamot siya sa ulo niya. Kinuha ko sa loob ng taxi yung sling bag ko. I insert my hand to get my phone but...


Pesteee!!! Ang malas ko ngayon!

Nakalimutan ko sa side table ko yung phone ko!!!!! >__< Nakng!


"Wala po bang malapit na gas station dito?" Umiling siya. "Nasa dulo pa ang station eh." Napapadyak ako ng paa ko, Ano ng gagawin ko? Hindi ko naman alam kung nasaan na kami

"sige po kuya una nalang po ako" patalikod na sana ako nang singilin niya pa ko. Mag-proprotesta pa sana ko kaso pinakita niya sakin yung metro niyang nakalagay ay '93.25'

Langya! may gana pang maningil-,-


Naglakad ako papuntang highway baka sakaling may mapadaan dito. Bigla tuloy akong nagsisi na umalis ako kanina. Nakakabadtrip kasi si Kenzo psh! mukha tuloy akong suman sa suot ko.

"Wit wewww" Rinig kong sipol ng mga lalaki sa likod ko but I didn't managed to give them my eyes. Hays gabi pa naman na. Bwisit kasi si Gab may pa-bar bar pang nalalaman naiwan ko pa yung cellphone ko nice wan!

Binilisan ko yung lakad ko hanggang marating ko yung kalyeng may nakaabang na taxi. Kung swineswerte ka nga naman! dali dali akong tumakbo papalapit doon sa kotse pero may tao sa loob nagtutukaan (_ _)* jusq! hindi man lang naghanap ng mas pribadong lugar.

Tumalikod na ko at nagtanong sa isang tricycle driver. Hindi naman daw alam kasi medyo may kalayuan pa yung lugar na tinatanong ko at may boundery daw sila kung saan lang pwede magpasada.


"Just Great Laine." bulong ko.

.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now