Chapter 59: Talo na ba?

41 2 0
                                    

LAINE POV

Kinabukasan. Nalate ako ng gising. Mabilis akong humarurot papunta sa school at tsismis agad ang bumungad sa'kin.

"Nasa ibang bansa na si Kenzo eh. Sayang naman balita ko break na daw sila nung girlfriend niya."

"Ang sweet kaya nila baka LDR sila ngayon?"

"Girl walang nagtatagal sa LDR. Kung ako kay girl makikipaghiwalay muna ako at babalikan nalang si Kenzo pagbalik niya."

"Duh Sheena! Syempre kapag nakipagbreak ka, umasa kang wala ka nang babalikan!"

"Oo nga naman! Paano kapag nakahanap ng iba doon diba? Where's your mind?"

Rinig na rinig ko ang usapan ng mga babaeng ito. Hindi ko nagawang lumingon kahit na alam kong nagulat sila sa presensya ko. Kasabay nilang naglalakad ang pinag-uusapan nila kaya tama lang na manahimik sila.

Sinamaan ko ng tingin ang tatlong iyon bago pabilisin lalo ang lakad ko. Mga walang mapag-usapan!


Patakbo kong tinungo ang room at bumungad sa'kin ang sermon ni Mrs. Fuente nang makita ako.

Kesyo wala daw akong pinagbago at lagi nalang late.

Napapansin niya ang mga late ko pero kapag maaga akong nakakapasok ay wala siyang sinasabi.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaiisip sa mga nakumpirma ko. Nagawa ko pang umuwi sa bahay kahit na ang usapan namin ay sleep over sa unit ni Zake.

Dahil late ako at halos lahat kami ay walang assignment kaya badtrip si ma'am habang nagtuturo. Pinipilit niya pa na nagpa-assignment siya kahit wala naman siyang sinabi sa'min nung nakaraan.

Sumunod na subject ay hindi pumasok ang teacher. Nagkaroon lahat ng oras para makapagdaldalan na naman.

"Nakausap mo na si Kenzo?"
Tanong ni Army. Umiling ako.

"Mamaya pa siguro."
Buntong hiningang sagot ko. Naramdaman ko ang literal na pagbigat ng balikat ko dahil pinatungan na naman ito ng braso ni Espren.

"Huwag mo na nga munang isipin yan Espren! Ako ang nahihirapan sa'yo eh."
Nakasimangot na sabi niya.

Tumango nalang ako kahit na ni minsan ay hindi nawala sa isip ko lahat ng problema.

"Mabuti nalang at nagdrop na ang babaeng 'yon. Hindi ko alam ang magagawa ko kapag nakita ko pa siya dito! Diba Army?"
Maangas na sabi naman ni Raine. Binigyan niya ako ng isang bar ng chocolate. Nawindang ang isip ko at kinuha agad iyon.

Nakakapagpakalma ito pero mas gusto ko pa rin ng letche flan.

"Kilala naman natin si Kenzo. Una palang alam natin na ikaw ang mahal nun."
Gumaan ang loob ko dahil sa sinabing 'yon ni Cedric. Alam ko naman iyon eh.

"Subukan niya lang. Sundan ko kaya siya?"
Seryoso ang tingin ko sa kanila pero sa loob loob ko ay biro lang iyon. Nakita ko kung paano nagulat ang mga mukha nila.

"Whaaaa sundan natin. Punta tayong Spain!!"
Napanguso ako sa naging reaksyon ni Raine. Akala ko aapela siya yun pala ay may plano pang sumama.

"Pagkagraduate natin ng senior high. Punta tayo!"
Umigting ang tainga ko dahil sa pagsang-ayon ni Zake. Ngumiti ako sa kaniya.

"Talaga?"
Malapit na kaming grumaduate. Second to the last quarter naman na ito lalo pa't december na next week.

Malapit lapit na din ang christmas break.

"Sama kami ah."
Excited din na sabi ni Army.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now