Chapter 32: Tarpaulin

107 53 2
                                    




Laine POV



"Saan naman galing to?"
Kinuha ko yung mga lobo na nakakalat sa kwarto ko.
Si Raine nagpaiwan kila Zake dahil nahiya daw siya sakin bigla.
Aba dapat lang noh! Siya na nga tong nagsinungaling tapos hehe pero joke lang kahit hindi ko yun tinatawag na bes mahal ko yun hahaha.

Kinuha ko yung isang lobo sa sahig


"Saan ka galing?"
Pero laking gulat ko nang hindi ako sagutin ng lobo.


"Hoy sumagot kayo!"
Tinuro turo ko yung ibang lobo.


"Langya Laine baliw ka na!"
Nahampas ko yung sarili ko. Sino ba namang matinong tao ang kakausap sa lobo diba?

10:45pm

Gabi na, napasarap ang pag uusap namin nila Zake sa bahay nila eh.


Nakwento na sakin lahat ni Raine.
Si Timothy James Barrios, the one who almost got her. Tsk tsk tsk..
Fix marriage talaga buti pa kami walang business business na yan!

Ang hindi ko lang maintindihan yung sinabi sakin ni Zake kanina bago ako umalis sa bahay nila...



'Yung about sa deal pala, dont worry nagawa mo na'



Eh hindi pa nga ako gumagawa ng moves eh! Paano ko naman nagawa yun?!

Pero ok na din atleast hindi ako mamomoblema about dun.

Sa sulok ng kwarto ko may napansin pa kong nakatupi na tarpaulin.


"Saan ba to galing?!"
Bubuklatin ko na sana, kaso biglang tumunog yung cellphone ko.



Zake Bessy Calling

"Hel-"

("HOY LAINE ESPREN! KAMBAL! BESSY! BES! KAPATID! WAG MONG BUBUKSAN YUNG TARPULIN NA NASA KWARTO MO NGAYON HA NAKOOO LAGOT AKO NETO KAY KENHDBEHXBA-")


"ANO?!"
napasigaw din ako ng wala sa oras! Problema ba nito? Kung makasigaw kala mo kumakarera


("Sabi ko wag mong buksan yung tarpulin yun lang")
Ngayon kalmado naman siya sumagot.
Takte! Eh kung yan yung ginawa niya kanina edi sana walang sigawan diba?!


"Langya! Sayo ba galing to? Bakit ang daming lobo?"

Narinig ko pang bumubulong si Raine sa kabilang linya nang 'lagot ka lagot ka'

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now