Chapter 37: '1'

128 57 3
                                    


Zake POV


"Una na kami"

paalam ko sa kanila. Si Laine nauna ng lumabas kase magccr daw muna siya na sinundan naman ni Kenzo.

Si Cedric hila hila si Army, dapat daw kasi hintayin siya nito at magsasabay silang umuwi.

Hindi ko alam kung anong trip nitong dalawang to eh.



"uyy Liham sabay ka na samin" pagiimbita ni Raine sa kanila.

"Hinihintay ko pa si Cheene eh" sagot niya. Napansin kong nawala na yung dugo sa uniform niya. Nakapagpalit na yata siya nung pumunta kaming lahat ng locker para magpalit.

"Nasan ba siya?" tanong ko.

"Nasa Cr"

"Ahh hintayin nalang natin. Nasa Cr din si Bes eh" nakangiting sagot ni Raine. Napansin ko ang pagkagulat sa mata ni Liham nang marinig niya yun.

"Si PL?" mabilis na tanong niya.

"hmm" tango tangong sagot ni Raine.

"Ahh"
Nakita ko pa siyang bumulong pero hindi ko yun narinig.

"Tara na"
Pagyayaya ko.

"Si Cheene pa nga daw"
Pagkontra sakin ni Army.
Oo nga pala nawala sa isip ko.

"Nasan si Kenzo?"
Tanong ulit ni Liham.

"Sinundan niya si Laine"
Sabi ko, tinignan ko yung mukha niya dahil mababakas talaga doon na may iniisip siya.

"Buti naman"
Bulong niya.

"Nandito na si Laine?"
Napatingin kami sa bagong dating.

"Oh Kenzo, akala ko ba sinundan mo?"
Takang tanong ni Army.

"Nakalock yung cr"

"Huh? Baka sa kabilang cr gumamit"
Sabi ni Raine.

Napatingin kami kay Liham nang bigla siyang lumabas ng room.

Hindi namin Alam ang gagawin kaya sinundan namin siya.

Pagkalabas palang ng room nakita naming tumatakbo si Liham papunta sa CR.

"PLLLL!"

"What the hell is he doing?" yung tanong na yun ni Kenzo. Yun mismo yung taong na namumuo sa isipan ko.

Ano bang ginagawa niya?

"Nasan ba sila Laine?" nakita ko din ang nagtatakang tingin nilang lahat. Pinanood namin kung paano niya sapilitang buksan yung pintuan ng cr. Mas lalo akong nagtaka kung bakit ni isa walang taong naglalakad dito.

kahit nasa sulok kami ng floor na to, alam kong maraming gumagamit ng cr dito pero ngayon bakit parang walang tao?

pilit binubuksan ni Liham yung pintuan nang bigla itong kusang bumukas. Lumabas si Cheene ng nakangiti, pero halatang nagulat siya nang makita si Liham sa harap niya. Dahan dahan niyang inilipat ang tingin niya samin.

mas lalong lumapad yung ngiti niya

"oh I there! How sweet of yours at nagawa niyo pa kong sunduin dito" nahalata ko ang pagiging sarkastiko niya.

"Nasan si Laine?" Tanong ni Army at pumunta sa unahan ni Liham upang masilip yung loob ng cr pero mabilis din naman siyang lumingon samin.

"Wala namang ibang tao dito" tumawa si Cheene.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now