Chapter 58: '1' '2' '3'

33 1 0
                                    

LAINE POV

Ilang linggo ang lumipas. Nung una ay halos araw araw kaming nag-uusap. Malaya kaming nakakapagkwentuhan ng iilang bagay na nangyayari sa school.

Sa umaga ay nag-iiwan ako ng text sa kaniya bago ako pumasok at ganon din siya. Minsan pa nga ay magkatext kami sa klase. Hindi ko makakalimutan ang text niya sa'kin na naging dahilan kung bakit muntik pa akong mahuli ni Ma'am Fuente. Mabuti nalang at pinagtakpan ako nila Cedric para lumusot.

Natawa ako sa text na natanggap ko nung araw na iyon.

Dumudugo na ang sikmura ko sa pag-s-spanish nila. Okay pa sana kung English. Nasa klase ka diba? Huwag ka ng makinig dyan! Cutting ka na. Usap nalang tayo.

10:54 am


Kahit kailan ay bad influence ang lalaking iyon. Konti nalang ay magpapauto na talaga ako sa kaniya dahil sa pagmamahal ko.

Sa hapon naman ay umuuwi ako ng maaga para makausap siya. Mabilis kong ginagawa lagi ang mga assignment ko para mas marami ang oras namin. Mas pinipili ko ang magpuyat kesa ang matulog ng maaga.

Isang araw din ay nag-group call kami lahat ng tropa.

Masaya kahit bitin lagi.


Kaso nitong mga nakaraang araw ay hindi kami halos nakakapag-usap ng matino. Kung hindi dahil sa mabagal na connection, minsan ay palagi siyang pinapatawag ng trainer niya.

(Sorry. Tanghali na kasi ako nagigising. After that I'll eat and go for school. Pagkauwi ko naman ay nakabantay na sa'kin si mom para sa business. Nakakauwi ako ng gabing gabi. That's the only time to rest. I am really sorry, babawi nalang ako sa weekend.)

Napabuntong hininga ako hindi dahil sa hindi niya ako nabibigyan ng oras, kundi dahil sa nakakapagod na ginagawa niya.

Pagod na pagod siguro siya.

"I love you, Ken."
Nakapikit na usal ko. Tahimik ang linya niya sa cellphone. Hindi ako maghahangad o magntatanong. Basta tinatawagan niya ako ay okay na.

Narinig ko ang nakakamiss niyang tawa.
Pasimple kong hinawakan ang bigay niyang necklace sa leeg ko. Suot niya rin kaya ang necklace niya?

(I know that. I love you more!!)
Ngumiti ako.

Gusto ko siyang yakapin at halikan.

"I wish I could kiss you right now."
Nanlaki bigla ang mata ko kasabay ng pagtakip ko sa bibig ko. Takte! Sinabi ko ba talaga 'yon?!

Pumikit ako ng mariin dahil narinig ko na ang matunog niyang pagngisi. Naiimagine ko na naman ang ngisi niya.

(Alam mo ba kung ilang beses ko na yang sinabi sa sarili ko?)
Nag-init bigla ang pisngi ko.

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Tama bang tungkol sa halik ang pinag-uusapan namin?

(Pagkauwi ko, I'll kiss you! French Kiss.)
Ginawa niyang husky ang boses niya. Hindi ko namalayang na ang higpit na pala ng pagkakahawak ko sa cellphone ko.

Mas lalong nag-iinit ang pisngi ko sa binanggit niya.

"A-ano f-french kiss sinasabi mo?!"
Painosenteng tanong ko. Napalunok ako at napakagat sa ibabang parte ng labi ko. Pinipigilang ngumiti.

Ngayon narealize ko na kung bakit sobrang challenging ng mga LDR.

(Don't worry. Tuturuan kita pag-uwi ko haha. Yung makakabuo agad)
Pinikit ko ng mariin ang mata ko dahil sa kakaibang nararamdaman ng sikmura ko. Nahihiya ako na kinikilig na ewan!

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now