Kabanata 8

196 96 51
                                    

Kabanata 8
Obvious na nga tinatanong pa



LAINE POV

Nanatili ako sa labas ng kwarto ni Zake kasama sina tita at mama. Hanggang ngayon sinusubukan kong intindihin ang pagkakamali ko para palayuin niya ako ng ganito.

"Ano po bang nangyari kay Zake??"
Takang tanong ko sa kanila.
Halos mapasambunot na 'ko sa sarili ko. Sa mga itsura kasi nila. Mukhang pati sila walang alam dito eh.

"Anak, natatandaan mo ba nung umalis ka kasama ang boyfriend mo?"
Nag-aalangang tumango ako sa tanong ni mama. Tsaka ko nalang siguro ipapaliwanag na hindi naman talaga kami ni Kenzo. 

Hindi ko siya boyfriend!

"The following day hija, hindi na namin siya nahanap. Nabalitaan nalang namin na galing siya sa bar at nagdrive ng lasing. Alam mo naman na never naglasing si Zake kapag may problema siya diba? Kaya agad namin siyang hinanap, tapos mga 8:45 ng gabi natagpuan daw ang kotse niya na nadaganan ng puno na nakatumba. Mabuti na nga lang at napuruhan lang siya sa binti."

Napatakip ako sa bibig ko at napailing.
I feel really guilty, kaya pala sunod sunod ang tawag nila sakin. Its all my fault. Napahampas nalang ako sa pader.

"It's not your fault hija, don't worry."
Umupo ako sa tabi ni mama. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. Bakit naglasing si Zake? Anong dahilan niya para maglasing? Dahil ba sumama ako kay Kenzo? Dahil ba akala niya boyfriend ko ang isang 'yon?

Nagselos kaya siya? Pero teka- wala naman yung gusto sa'kin eh. Nakakalito mag-isip jusko.

"Ma, alam niyo po ba kung bakit ganon ang trato sakin ni Zake?"
Pagtatanong ko.

Yumuko si mama. Bakit parang nararamdaman kong may alam siya? May kakaibang nangyayaring hindi ko malaman.

"Bakit Laine, what's the matter between the two of you?"
Ngumiti ako ng mapait at hinarap si tita. Siguro samin nalang muna ang problema.

"Wala po tita. Nanibago lang ako."
Tinapik niya ang braso ko. Kahit ginawa niya 'yon hindi pa rin naman nabawasan ang mga tanong sa isip ko.

"Don't worry hija, kung may problema kayo. Just tell me."
Pilit akong tumango. Sinandal ko ang ulo ko sa pader at pumikit. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Paulit ulit akong bumuntong hininga. 

Nag-uusap si Tita at mama pero parang ibang linggwahe ang sinasabi nila dahil hindi ko maintindihan. Walang ibang nagproproseso sa utak ko kundi ang pagtrato sa'kin ni Zake ngayon. Kakaiba talaga.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now