Kabanata 5

209 111 92
                                    

Kabanata 5
Amusement Park



LAINE POV


"Tara na Kenzo."

Pagyayaya ko sa kanya. Mapapansin mong kagagaling lang niya sa pag-iyak dahil namumula pa rin ang mga mata niya.

Si lola dinala ng ambulansya pero hindi ko alam kung saan siya dadalhin. Bakit ganon? Diba dapat sa hospital 'yun dinadala? Grabe! dito lang yata ako nakakita ng may sakit pero staycation sa bahay nila.

Ang kinahihiya ko pa, ako pa yata ang hinintay ni lola bago siya mamatay, paano kaya kapag nalaman niya na hindi ko naman talaga kakilala si Kenzo. Nakaka-guilty. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko dahil mukhang nabaliwala ko ang pagkairita ko sa kanya ngayong araw.

Tinanguan niya lang ako. Kapansin pansin ang pagbalik ng eskpresyon ng mata niya na nakasanayan kong nang makita. Grabe, ang bilis magbago ng emosyon ng lalaking 'to.
Nakapoker face na naman siya.

"Sige!"
Sinubukan kong maging masigla. Sa tingin ko kasi kung sasabayan ko ang pagiging tahimik niya, baka magsabog na ng katahimikan ngayong kami lang ang magkasama.


Nakatulala lang siya sa daanan habang nagdradrive siya, ako naman 'tong hindi mapakali, makaisip lang ng pag uusapan namin. Mahirap manahimik baka bigla siyang mag-emote at hindi ako sanay sa tahimik! Sanay ako sa pang-aasar ni Espren ko.

"Hala! teka nga pala. Diba may event ngayon sa Madallon?!!"
Bakit hindi ko naisip yun? Nakalimutan ko! Baka ayun ang dahilan kung bakit pumunta din si Zake sa bahay.

"Tss."
Baka isang Kenzo Ramirez yan! Ang dakilang walang pakialam.

Hindi ako tumigil mag-salita.

"Kaano-ano mo pala yung may ari ng school natin?"
Tumingin siya sa'kin saglit at binalik ang tingin sa daan.

"He's my father." mahinang bigkas niya. 

"Ah, akala ko naman- Your father??!!"
Nanlaki bigla ang mata ko dahil sa pagkabigla.
Kaya pala masyadong madali ang lahat ng bagay bagay para sa kaniya. Aha! siguro binabayaran niya lang yung mga-

Natigilan ako.

Nagulat lang ako dahil nakikita ko siya ngayon na nagpipigil ng tawa. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kaniya dahil mas gwumapo siya sa sandaling ito. Hindi ko mapigilan ang mapakunot ng noo nang mas maging malakas ang pagpipigil niya ng tawa. 


Naalala ko na! nabanggit nga pala sa akin ng tatlong babae noong isang araw na anak siya ni Mr. Ramirez!

"Bakit ka tumatawa?" Nagtatakang tanong ko.
Paano niya nagagawang tumawa ngayon sa kabila ng pagkamatay ng isang taong mahalaga sa kaniya? Ganon ba siya ka-bipolar para makalimutan kaagad ang emosyon na dapat meron siya ngayon?

"Where are you came from?"
Nagkapagtataka naman ang tanong niya.

"Sa Bohol, bakit?"
Tugon ko.

"Hahahaha!" baliw na ba siya?

Biglang umigting sa tainga ko ang mapang-asar niyang tawa.
Hindi ko namalayan na hininto niya yung kotse sa tabi at doon tumawa nang tumawa kasabay nang mahihinang paghampas niya sa nasa tapat niyang manibela.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now