Chapter 47: Surprise

72 23 0
                                    

Laine POV

"Anak ang ganda mo!!!" pinalakpakan ako ni mama. Kating kati na yung mukha ko kapapahid ng kung ano-ano nitong bekimon sa harapan ko. Pinasuot din ako ng red gown. Hindi naman sa hindi ako sanay sa gowns pero parang kakaiba kasi yung dating ng feeling ngayon parang may something na ewan! Hindi ko ma-explain.

"Oh diba bongga!" Lumayo sakin onti yung nag-memake up tapos nakipalakpak siya kasabay ni mama. Hindi ko alam kung anong irereact ko, feeling ko lang talaga ang bigat ng pilik-mata ko dahil sa nilagay niyang extension dito.

"Ready to see your look girl?" nakangiting sabat nung babaeng nagbihis sakin at nag-ayos ng buhok ko. Dahan dahan nila akong pinatayo pero kaagad ding pinaupo

"Teka I forgot" Kinuha nung babae yung box doon sa side table at nilapag yun sa harap ko. Lumuhod siya at inabot ang paa ko. Namangha ako sa ganda ng heels sa harap ko.

Parang sandals ni Cinderella kaso color red din. Jusme kaya ko bang ilakad yan?

Inalalayan nila akong tumayo at iniharap doon sa malaking salamin na nakatakip pa ng tela. Anong pakulo toh? Kailangan talaga surprise?

Gusto kong sabihin sa kanila na 'pwedeng pakibilisan po?' kaso nakakahiya naman dahil sila na yung sumundo samin kanina sa bahay at pinasok ako dito sa extrang kwarto sa bahay nila Zake.

"1..2..3..TADAAAA!!" sabay sabay pa silang nagbilang.

Napalunok ako sa nakita ko. Omygosh! Is.This.Me? Hindi ko maipaliwanag yung itsura ko gosh akala ko maganda na ko sa simpleng eye liner at liptint pero hindi ko alam na kakayanin pala ng mukha kong tumanggap ng iba't ibang kolorete.

"Diba sabi ko naman sayong kaming bahala eh. Look at your gown! It fits you very well" tama siya yung simpleng gown na suot ko parang naging elegante kapag inayusan ako.

"ESPRENN!! ANO NA? OKAY KA NA?" narinig namin kumatok si Zake sa pintuan. Pinagbuksan siya ni mama at halos ngumanga siya sa nakita niya.

"N-Nasan si Laine?" pigil na tawang usal niya. Sinamaan ko siya ng tingin at kunyaring natawa sa sinabi niya.

"Ang corny mo! Ano saan na ba pupunta?" Lumapit ako sa kaniya. At siniko siya ng pabiro

"Ang gwapo natin ah!" bagay na bagay yung suot niyang suit sa kaniya. Para kaming magpartner, ako naka-red gown siya naman black suit with red necktie. Kambal nga kami hahaha

"Syempre maganda ka eh!" tinuro niya pa ko. "Diba mama?" lumapit samin si mama nang mangiyak ngiyak habang tumatango

"Kambal ko nga kayo. Parehas kayong nagmana sakin" pagdradrama niya. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi namin ni Zake.

"Ma naman! Group hug nalang hahaha" natawa ako habang unti unti kaming nagyakapan.

~~

Pagkatapos naming magbolahan ni Zake, dinala niya ako dito sa backstage. Grabe ngayon ko lang nalaman na nasobrahan pala sa laki yung likod ng bahay nila. At ngayon kinakabahan ako kasi naririnig ko na parang ang daming taong nasa harap nitong makapal na dingding. Naririnig ko din yung emcee na nakikipagchikahan sa mga taong nandoon para malibang.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now