Chapter 45:SunDate

98 32 1
                                    





Laine POV







Dalawang linggo ang lumipas. Pero halos Hindi ko na mabilang ang mga nangyari sa loob ng araw na iyon.
Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko.
Simula nang ma-ospital si Liham ay bihira na namin siyang makausap. He always gain sleep than being awake, halos hindi na nakakapagpalit ng uniform si Samantha mabantayan lang siya.

I salute her for being there for Liham. Kahit minsan ay sinusumpong si Liham at nasusungitan siya, she didn't bother to stay away. Isang pangungusap lang ang sinabi niya sakin.

'Gagawin ko lahat para sa kaniya, babawi ako'

Sobrang mahal niya nga si Liham. Dumating sila Cheene at ang magulang ni Liham sa hospital, nagulat ako nang sinampal ni Cheene si Sam.
Ang sabi niya ay kami lang daw ang nag-dudulot kung bakit nagkakasakit si Liham

Dinamay pa ko. She really have an attitude problem!
Hanggang sa ibinunyag ni Samantha sa harap ng magulang ni Liham na Si Cheene ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Liham, ang sabi daw nito ay lumayo dahil kailangan makapag-pokus ni Liham sa medication pero nalaman ni Sam na Hindi pala talaga naoperahan si Liham.

Nakita ko na namang umiyak si Samantha sa harap ng lahat. Naiintindihan ko siya. Nagsakripisyo siya at iniwan si Liham para makapagpagamot ito pero yun pala wala ring nangyari. Akala pa tuloy ni Liham iniwan siya ni Samantha ng ganon ganon lang.

Si Raine naman tumira sa condo ni Tims niya. Nung una sobrang hindi ako pumayag dahil syempre babae siya at lalaki ang makakasama niya.

Pero nung narinig ko kung gaano botong boto si Tita kay Tims parang wala namang dapat ikabahala. As long as Alam nila ang tama at mali.

Tok tok tok tok



"Laine?"
Napatayo ako bigla nang marinig ko si kuya'ng kumakatok.

"Pasok"
Dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa non si Kuya na sobrang bihis.

"Bakit kuya?"
Umupo ako sa kama ko at humarap sa kaniya. Ang seryoso naman nitong makatingin.

"Magbihis ka" masungit na sabi niya. Awtomatikong napataas ang kilay ko na agad niyang pinitik

"Ahh! Bakit ba kuya?!"
Ang sakit sakit pa naman mamitik ng kamay niya.
Kaya hindi nagkaka-girlfriend eh

"Linggo ngayon. Magsimba tayo!"
Binato ko nga ng unan.

"Kuya wala pa kong pahinga! Mamamatay na ko!"
Pagbibiro ko.

"Oh sige! Unahan mo yang kaibigan mo! Magbihis ka na sabi nang mabasbasan ka!"
Binalik niya sakin yung unan ko na binato ko sa kaniya kanina.

"Aishh oo na maliligo lang ako tsupi!"
Tinulak ko siya palabas.

"BILISAN MO AH!!"
Sigaw niya mula sa labas. Kahit kailan ang ingay talaga niya-,-

Mabilis akong naligo at nag-ayos. Nag sleeve less lang ako at black jeans. Onting liptint and perfect!



Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now