Chapter 53: Addicted

44 3 0
                                    





LAINE POV

Lumipas ang araw. Sobrang naging mabilis ang paglubog at pagsikat ng araw. Ni ang pagtakbo ng oras ay hindi ko namalayan.

Ngayon pagkatapos ng klase at pinaalam ako ni Kenzo kay mama. Hanggang ngayon hindi alam ni mama ang tungkol sa pag-alis niya. Gustong kong ipaalam kaso natatakot talaga akong pag-usapan ang mga tanong at mga paano.

Nagulat ako nang dinala niya ako ulit sa Baguio. Alas tres ng hapon nang makarating kami, dinala niya ulit ako sa lugar kung saan napanood namin ang paglubog ng araw nung kinidnap niya ko sa bahay. Naalala ko ang sabi niya sa'kin noong una, he wants to watch a sunset with her first girl. Mahirap paniwalaan sa una pero habang tumatagal kapani-paniwala na. Kasi hindi niya ako hinayaang magselos.

Walang pinagbago ang lugar. It's still relaxing. Hindi gaano malamig ang temperature kagaya nung una naming punta, pero hindi ka rin naman pagpapawisan kahit may araw.

Sa haba ng pagsasama namin. Panliligaw man o hindi. Kami man o hindi pa. Pinakita niya sa'kin kung paano maging sweet ang isang Kenzo Ramirez. Wala man akong alam sa family background niya. Basta na sa'kin ang puso niya ay kuntento na 'ko.



"I'll always call you. After and before our class. I'll contact you before we go to sleep and after we wake up. I'll text you every time I'm free. Mag-vi-video call tayo kung kailan ko gusto. Laging hawakan mo ang cellphone mo. Ayokong ibang lalaki ang makasagot sa tawag ko kahit si Zake pa yan. Gusto ko ikaw lang. Tatawagan kita hangga't nasa malayo ako."

Gusto kong maiyak ng sobra sobra nang mapag-usapan na namin ang tungkol sa pag-alis niya.
Pinipigilan kong lumuha sa harapan niya kase nakikita ko sa mga mata niya, nagpapakatatag siya para sa'ming dalawa.

"Kapag nagsawa ka na, sabihin mo sa'kin. Uuwi agad ako para yakapin ka."

Hanggang sa naluha na lang ako dahil narinig ko ang mga sakitang 'yon mula sa kaniya. Wala akong masabing salita pero pinaramdam ko sa kaniyang kaya kong makinig. 

Hindi ako magsasawa.

"Kapag pagod ka na tawagan mo lang ako. Hahalikan kita hanggang sa magsawa ka."
Niyakap niya ako nung araw na iyon. Nakapikit ako habang nakikinig. Nagpipigil ng emosyon. Ramdam na ramdam ko ang pagsabog.

Hindi rin ako mapapagod.

"Remember that I'll be back. No matter what happen, no matter days nor years had passed, babalikan kita. Hayaan mo lang akong tapusin ang problema, pangako magsasama tayo habang buhay."

"Kahit pagbalik ko marami akong karibal sa'yo. Susuntukin ko sila isa isa hanggang bumalik ulit sa'kin ang paningin mo"

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now