Kabanata 21

115 68 2
                                    

Kabanata 21
The Transferees


LAINE POV

"Hala! Zake, baka late nanaman tayo!" I said hysterically.

Pagkapasok na pagkapasok namin dito sa hallway, napansin ko na agad iyong pintuan ng room namin na nakasara. Usually kasi kapag simula na ang discussion sinasara talaga nila ang pinto para walang iistorbo.

"Bahala na." he just shrugged his shoulders while laughing. Mukha pang masaya siya sa sitwasyon namin ngayon.

Sinamaan ko siya ng tingin at pabirong sinuntok siya sa braso.

"Bahala ka, ikaw magpaliwanag ah." nababahala kong tugon. Inunahan ko na siyang maglakad at diretsang naglakad patungo sa classroom namin.

"Parang hindi naman ako sanay." tunatawang sabi niya na animo'y hindi talaga namomoblema.

I feel his presence behind me. Hindi nga ako nagkamali dahil inakbay niya ang braso niya sa aking balikat. Sa tuwing ganitong oras kami nakakapasok, siya talaga lagi ang pinagpapaliwanag ko dahil magaling siyang magpauso ng palusot.

Nakailang beses kaming kumatok sa pinto bago ito buksan ng isa kong kaklase.

Nawala yata lahat ng kaba ko dahil wala pang nagtuturo sa loob nang gumala ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto. Kaya pala nakasara ang pinto dahil nagbabatuhan, kwentuhan, nag-aasaran ang mga tao sa loob na animo'y walang darating na magtuturo. Anong nangyayari? Party?

"Anong meron?" takang tanong ni Zake habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Absent si Ma'am Lopez, tsaka may meeting daw lahat ng teacher hanggang break time." sabi ng president namin.

Naramdaman ko bigla ang pagkabuhay ng dugo ko mula ulo hanggang paa. Sana laging may meeting 'di ba! Bago magrecess may dalawang subject dapat kaming papasukan. So it means sa dalawang subject na 'yon wala kaming klase?

"Nice." ngisi ko.

Dumaretso ako sa hilera ng mga upuan kung saan ako nakapwesto. Huli na nang mapansin ko si Kenzo na nakasimangot. Ano na naman kayang problema nito? Hindi ko talaga alam kung dinadalaw ba ang isang ito ng menstruation, e. Hataw na hataw lagi ang mood swing niya myghad!

I raised again my eyebrows, asking him what's his problem today. Lumingon siya sa akin at nagtaas din ng kilay. I just shrugged my shoulders. Mukhang hindi matino kausapin ang isang 'to.

Umupo na ako sa nakagawian kong upuan. Nasa kaliwa ko si Kenzo samantalang si Zake nasa kanan at ang upuan naman ni Army ay katapat ko kaya ang dulo walang tao, bintana na kasi. Nagtagal ang tingin ko sa upuan na nasa harapan ko dahil napansin kong wala pa roon ang bag ni Army.

"Uy! si Army?" tanong ko kay Kenzo. He didn't bother to glance at me for a second or answering me without looking, instead he just get his phone and do something I can't see. Napaawang ang labi ko sa pang-dededma niya. Aba't!

Mula sa kinauupuan ko, narinig ko ang pagtawag ng president namin sa pangalan ni Zake na naglalakad palang papunta rito. Hinid ko iyon pinagtuunan ng pansin bagkus bumalik ang tingin ko sa katabi.

"Hoy tinatanong kita."

"Bakit mo sa'kin tinatanong?" walang ganang tanong niya. Irritation obviously etched from his tone.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now