Kabanata 4

249 119 81
                                    

Kabanata 4
Lola




LAINE POV

"Wow!"

Isang salita na lamang ang nabanggit ko dahil sa pagkamangha sa natatanaw kong bahay, nagmistulang mansion ito dahil sa laki at ganda ng pagkakadisenyo.

Mayaman!

MiIukhang tiwala sila sa pagkakadisenyo nito mula labas hanggang mapa-loob man. Napapaligiran ng malalago at iba't ibang uri ng bulaklak ang paligid nito. May isang malaking puno at lalo akong napanganga dahil nakapwesto ang mistulang ginawang hagdan sa baba nito para makaakyat ka sa itaas.

Meron iyong maliit na bahay at may kahoy na mukhang natripan lang sulatan ng 'Ramirez's Property'

Halatang bahay pahingahan nga talaga.

"Ito na ba yung bahay ng Lola mo?"
Bago ko maibaba ang tingin sa kaniya ay nakita kong nakatingin pala siya sa'kin.

"Hindi hindi, baka bahay ng lola mo tss." 

Naramdaman ko bigla ang panliliit ng mata ko. Muntik ko nang makalimutan na ang sarap nga pala nitong kausap. Nagagawa niya pang mamilosopo sa kabila ng paghatak niya sa'kin dito. 

Anong klaseng nilalang siya?

"Whatever!"
Napairap ako sa kawalan, kahit kailan talaga!
Mariin akong nanggigil dahil naalala ko na naman ang pinaggagawa niya sa'kin kahapon. Nagbook kami sa pinakamalapit na hotel at sa hindi inaasahan fully booked na ito at tanging isang kwarto nalang ang maaaring okupahan.

Maraming reklamo at paninigaw ang natanggap niya sa akin pero ang nakakainis pa doon ay parang wala lang 'yon lahat sa kaniya.
Naisip ko nga minsan baka bingi siya para hindi marinig lahat ng hinaing ko.

Akala ko ay hihingi siya sa'kin ng patawad dahil sa katamaran niyang maghanap ng mas maluwag na hotel, pero hindi. Ang tanging ginawa niya ay tinanggap ang kwarto at hinayaan akong matulog sa sahig gamit lang ang comforter at isang unan na ibinigay niya.

Hinanap ko din kagabi ang cellphone kong kinuha niya pero hindi ko 'yon nahanap. Parang may sumanib sa akin na masamang ispirito dahil binalak kong takpan ng unan ang natutulog niyang mukha, mabuti nalang at napigilan ko pa ang sarili ko.

Simula din kagabi ay nalimitan niya ang pagsasalita. Grabe worse experience ko na yata ang makasama siya!

Bumalik ako sa realidad nang hatakin niya 'ko bigla papalapit sa kanya at hawakan ang malayang kamay ko sa hindi 'ko na naman malamang dahilan.

"You better be close to me, I'll introduce you as my girlfriend."

Naramdaman ko na naman ang kakaibang paggalaw ng kung ano sa sikmura ko. Parang kinikiliti at binubuhol ang kalamnan ko. 


Anong nangyayari sakin?

"Feeling close talaga! Hmmp!"  Nag-make face ako habang hindi siya nakalingon sa'kin.
Kung kabisado 'ko lang talaga ang buong Baguio baka kanina pa ko nakauwi sa Manila.

Pero ang hindi ko tanggap mula nang lumabas siya sa cr kanina, isa lang talaga ang naging tanong ko. Bakit ang lakas ng dating ng lalaking 'to? Tanging black pants lang at simpleng V-neck na gray ang suot niya para na siyang endorser ng Bench. 

Jusko! ang puti niya din, hindi ko maiwasang pagmasdan and kabuuan niya.


"Lets go." bulong niya.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now