Chapter 48: Problem

64 19 0
                                    

Laine POV

"Ano muna sayo?" pagpipilit ko kay Zake. Nandito ako sa kwarto niya at kasalukuyan kaming nagbubukas ng mga regalo naming dalawa. Inunahan niya kasi akong tanungin kung anong ni-regalo sa'kin ni Dad.

"Ako yung unang nagtanong, wag kang madaya" pambebelat niya sakin.
Kahit kailan talaga ayaw niyang nagpapatalo.

"Hindi, ikaw muna. Hindi ako magsasalita hangga't hindi mo sinasabi" pagmamatigas ko lalo na ikinatawa niya.
Ang aga aga niya kasi akong ginising kanina para magsabay lang kaming magbukas ng mga gifts. Dito na nga din kami natulog eh, sila mama at Kuya Kenjie nasa guess room, sila Raine naman bumalik sa condo ni Tims at yung boyfriend ko umuwi din agad sa unit niya

"Teka nga parang may nakalimutan pa kong regalo doon"
Lumabas siya nang walang sabi sabi.

Boyfriend..

Napangiti ako bigla nang maalala ko kagabi ang lahat ng nangyari. Parang kailan lang nung sinusungitan niya ko at ang tanging buka ng bibig niya ay 'tss shut up' naaalala ko pa kung paano niya itaas yung kilay niyang ang lakas makababae.

Pero ngayon puro sweet words na ang naririnig ko mula sa kaniya.
Saan kaya niya natutunan ang mga corny niyang banat?

Hinawakan ko ang kwintas na bigay niya, yung couple necklace.
Namimiss ko na agad siya.

Whaaaaa bakit ganito yung nararamdaman ko?! Para kong kinikiliti na ewan!

"Eto pa pala hahaha"
Napangiti ako lalo nang makitang may hawak hawak pa siyang limang regalo.

Woahhh ang dami na nito.

Ang dami na naming nabuksan mula sa iba't ibang katrabaho ni Dad. Si Mom naman niregaluhan ako ng set ng accessories, pure silver lahat at mukhang mamahalin samantalang ang binigay niya kay Zake ay ang paborito nitong brand ng perfume.

Yung kay Dad naman ngayon ang pinagkukulitan namin. Siguro alam ni Zake na galante si Dad magbigay ng regalo.

"Ganito nalang, sabay nating itaas ang regalong natanggap natin. Ano deal?"
Nakakalokong sabi niya. Kahit kailan ang hilig hilig niya sa deal deal na yan.

"Ok fine" kung saan siya masaya pagbigyan!

"1" pagbibilang niya.

"2" niliitan ko siya ng mata. Kinuha ko sa pouch ko ang susing binigay ni Dad.

Siya naman ay may inabot na maliit na box doon sa side table niya.
Mukhang maliit din yung kaniya ah

Ano kaya yun?

Nagtitigan lang kaming dalawa bago matawa.

"3!"
Matapos niyang isigaw yun ay taas noo kong binalandra sa pagmumukha niya ang unang susing natanggap ko.

Pero parang hindi lang ako ang mayroon na gantong regalo. Ngising ngisi siya ngayon habang may hawak hawak ding susi na kagayang kagaya ng susi ko.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now