Kabanata 7

186 100 47
                                    

Kabanata 7
Cold




LAINE POV

"Hindi ka talaga kakain?"

Wala naman akong sinabing hindi ako kakain. Sabi ko lang, ayokong kasabay ka huhuhu. Palihim kong hinimas ang nag-aalburuto kong tyan.

"Hindi na."
Bumalik ako sa kwarto at naligo muna. Takte! sobrang gutom na 'ko.
Nagmadali akong mag-ayos. Mabuti nalang at binilhan niya ako ng mga damit na kakailanganin ko. Simpleng T-shirt at denim pants lang ang sinuot ko dahil baka kung ano pang maisipang gawin sa'kin ng manyak na kasama ko.
Saka uuwi na rin naman kami mamaya.

Tahimik ang buong suite nang maisipan kong lumabas dahil napagdesisyonan kong kumain nalang.

"Sakto!"
Malapad na ngiti ang gumawad sa mukha ko dahil nasaktuhang wala ang hinayupak na Kenzo dito. Lumingon lingon ako sa paligid para makasigurado.

Kung saan man siyang lupalop ngayon, wag na siyang bumalik!
Dali dali akong pumunta sa kitchen at dumaretso sa lamesa, nakaibabaw dito ang in-order niya kanina. Nakangisi kong binuksan isa isa ang mga 'yon. Marami siyang binili at laking pasasalamat ko na halos hindi man lang nabawasan ang mga ito.

"Hmm sarappp!"
Hindi ko na nagawang umupo at nilantakan na ang nasa hapag.

Hindi ko na halos mainom ang tubig na nasa tabi ko dahil hindi ko talaga magawang bitawan ang kutsara't tinidor na hawak ko.

"Tss. Patay gutom."

"AYYANAKNGKALABAW!!!"
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko dahil sa gulat. Akala ko ba wala siya dito? Tapos bigla bigla siyang susulpot dito sa lamesa. 


Yeah right! Wala siya kanina dahil nasa ilalim siya ng lamesa.

"A-anong ginagawa mo!?" Nauutal na tanong ko. Ngumisi na naman ang loko.

"May inaayos lang ako kasi medyo umaalog yung lamesa... Eh ikaw? Diba hindi ka nagugutom? Bakit nandyan ka?"
Putandhfnegxks mo Kenzo!!! Masama bang magutom? Tsk.
Mas naging matunog ang pagngisi niya habang umiiling.

Napaiwas agad ako ng tingin.

"Tinikman ko lang, ang pangit pala ng lasa. Ano ba naman yan! Yuck!!"
Tumalikod ako at akmang aalis na.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko ramdam ko ang mabilis na paglukot ng mukha ko
Bitin pa yun eh!

"Ubusin mo na kaya lahat."
Napahinto ako at pasimpleng napangiti. Gustong gusto kong gawin ang sinabi niyang 'yon.

Kaso...

"Mukhang gutom na gutom ka eh. Tss! tinalo mo pa yung mga batang lansangan."
Narinig ko ang sinabi niya kahit pabulong 'yon.

"Hindi na, Ayoko nga ng lasa."
Inirapan ko siya at padabog na umupo sa couch malapit sa kusina.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now