Chapter 54: Absent

41 2 0
                                    



LAINE POV



Laking pasasalamat namin nang maging successful ang operasyon kay Liham. Magagaling ang doktor at inabot nang liwanag bago tuluyang matapos ang ginagawa nila.

Matapos 'yon ay nilipat si Liham sa isang private room. Isa isa kaming pumasok sa kwarto niya dahil hindi daw pwedeng magtagal doon. Hindi pa siya nagigising at tanging pagtanaw lang ang maaaring magawa.

"Recovery often involves 1 to 2 weeks in the hospital and 3 months of monitoring by the transplant team at the heart transplant center. We also have to give him a several test like  a heart biopsy.  It's a standard test that can show whether his body is rejecting the new heart. This test is often done in the weeks after a transplant."

Naririnig ko lahat ng sinasabi ng doktor sa magulang nito. Masyado pala talagang komplikado ang lahat.

"He'll need to take medicine to suppress his immune system so that it doesn't reject the new heart. These medicines are called immunosuppressants.  These are  combination of medicines that are tailored to your situation. Often, they include cyclosporine, tacrolimus, mycophenolate mofetil, and steroids such as prednisone."

Halos wala akong maintindihan sa sinasabi ni doc. Tinignan ko ang reaksyon ng parents ni Liham at tango tangong pinakikinggan nila ang payo ng doktor.

"As I said, He'll also have to manage multiple medicines after having a heart transplant. It's helpful to set up a routine for taking medicines at the same time each day and for refilling prescriptions. It's crucial to never run out of medicine. Always using the same pharmacy may help him. Don't worry Mrs. and Mr. Navarette. We are always open for your family if there's something happen again."

Mangiyak ngiyak na nakipagkamay si Mr. Navarette sa doctor. Hindi ko narinig ang naging tugon nila dito dahil masyadong mahina ang naging usapan nila. Marahil ay nagpapasalamat sila sa paggabay at hindi pagpapabaya asa operasyong iginawad sa kanilang anak.

Nabaling ang tingin ko kay Liham sa loob ng kwarto niya. Malapad na salamin lang ang pagitan namin. Mahimbing ang kaniyang pagkakahiga habang namumutla ang katawan niya. Kung dati ay pumayat siya, ngayon ay mas naging malala ang pagkawala ng timbang niya. Agad hinanap ng mata ko ulit si Samantha. Buong gabi ay wala siya dito, nagtataka talaga ako kung nasaan siya kung kailan kailangan siya ngayon ni Liham.

Hindi ko na muling inisip ang pagkawala dito ni Samantha. Nilingon ko naman si Cheene na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Hinahagod siya ng kaibigan niyang si Timmy. Mula nang magkausap kami ni Timmy ay hindi na ulit nagtama ang tingin niya sa'min.

Nagkayayaan kaming umuwi na dahil tutal ay stable naman na ang kondisyon ni Liham. Nagpaalam kami sa parents ni Liham. Nakangiting nagpasalamat sila dahil nandito daw kami para sa anak nila. Hindi na namin nagawang magpaalam pa kila Cheene dahil ayaw naming istorbohin sila. Bago kami makalabas ng hospital ay agad nahagip ng mata ko ang isang may edad na lalaking umiiyak sa front desk ng hospital.

"Siya yata yung nagwawalang lalaki sa taas kagabi" kwento ni Raine na katabi ng nananahimik na si Timothy. Agad ding sumang-ayon si Army.

"Kahapon pa siya inaawat ng guard eh." nagkibit balikat si Army. Baka naman may pinaglalaban lang si tatay dito? Hindi na namin pinansin muli 'yon. Umakbay sa'kin si Zake na ikinatuwa ko. Namiss ko ang pag-akbay akbay niya sa'kin.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now