Epilogue

99 4 1
                                    

Sinagot ko ang tawag na nagmumula sa cellphone ko. Tss. Ang aga aga.

(Ken, son! Hindi ko muna ma-mamanage ang Madallon. I'm staying here with your mom. Yung sekretarya ko ang bahala sa'yo okay?)

Napahinto ako sa paglalakad. Ako lang ang maiiwan dito?!
Well it's okay. I can do whatever I want without them.

"I'm okay here Dad. Don't need your secretary."
I said casually. Inayos ko ang pagkakasakbit ng bag sa likod ko at napahikab. Inaantok na naman ako.

(Good then. Naghuhulog naman kami sa account mo for your allowances and in fact your mom wants you to be here soon.)
Natatawang sabi niya sa kabilang linya.

Yumuko ako dahil sa tingin na ipinupukol sa'kin ng mga babaeng nagkalat. Hindi ba sila nahihiyang bulgaran ang pagtingin nila sa'kin?

I feel embarrass for them.

"No. Okay na 'ko sa pilipinas Dad, this is where I belong. Magbonding nalang kayo ni Mom dyan sa Spain"
Sabi ko.

Imbis na dumaretso sa room ko, lumiko ako at nagtungo sa likod ng school.

"How about Lola, Dad?"
Nag-aalalang tanong ko. Napahinto ako nang maalala ang tungkol sa bagay na iyon.

(Hay. Ganon pa rin. She's no longer taking her medicines. Dinalaw mo na ba siya? Si Cedric?)
Kumunot ang noo ko. Nandito ba si Cedric?

"I went to Baguio yesterday, Dad. As you said ayaw niya din sa medication. She's waiting for my girl Dad."
Pagkwekwento ko. Imposibleng makahanap ako ng babae agad agad. Wala naman sa isip ko yang lovelife na yan!

(I heard about that. Hindi ko alam kung anong trip ng Lola mo at ikaw ang hinihintay niya. I forgot kauuwi lang pala ni Cedric kasama yung kuya niya at ang aso niya. Hope you bond with him.)

Kumunot ano noo ko dahil doon. Akala ko ba sa US nag-aaral ang isang iyon? Bakit nandito yun? Tss.

"Okay Dad. Please tell Lola to go to her doctor. She needs it Dad."

(Your mom already call a doctor para lumapit mismo sa Lola mo but the problem is, ayaw nga ng Lola mo na maggamot. She's obviously accepted the fact that she's getting older.)

I heaved a sigh. Paano siya gagaling kung ayaw niyang magpagamot? Tss. Kung malapit lang talaga ang Baguio ay ako mismo ang magsusubo sa kaniya ng mga gamot niya.

"She's hard headed. Tatawagan nalang kita Dad kapag dumalaw ulit ako sa Baguio."

(Fine. Always take care anak)

Matapos niyang sabihin yun ay siya din mismo ang nagbaba ng tawag. Whatever. I used to it.

Mas madalas naman yang business kesa sa anak nila. But I am still thankful for raising me with the good life. I can always get what I want.

Umupo ako sa tambayan ko. Sa likod ng puno. I don't know but its making myself comfortable when I'm here. Pakiramdam ko narerelax ako kahit wala naman akong kakaibang natatanaw.

Sa pangalawang pagkakataon napahikab na naman ako.

Magaan ang loob na kinuha ko ang pulang tela na nakasabit sa puno. Inayos ko iyon at nilatag. Napangiti ako bigla nang maramdaman ko ang malamig na sahig sa likod ko.

Tinatamad akong pumasok sa first class kaya matutulog muna ako.

Sa kalagitnaan ng pagtulog...
Napadilat agad ako dahil sa kaingayan ng taong umupo.
Sinubukan kong matulog ulit kaso ang lakas lakas ng paghinga niya. Rinig na rinig ko.

Promise Are Meant to be Broken (COMPLETED)Where stories live. Discover now