PROLOGUE

90.7K 2K 143
                                    


PROLOGUE

"NO WAY!" tanggi ni Saiden sa mga baliw niyang kaibigan matapos siyang mag-dare.
Sinamaan siya ng tingin ni Melissa. "No take back, Saiden. You already said dare and we double dog dare you to crash a wedding. At sabihin mo sa harap ng madaming tao na nabuntis ka ng lalaking magpapakasal. Deal?"

Binigyan niya ng nagmamakaawang tingin ang isa pa niyang kaibigan na si Alice, pero mukhang gusto din nito ang pinapagawa sa kaniya ni Melissa. Napabuntong hininga siya pero hindi parin niya magawang magdesisyon.

"Sige na, Saiden. You only live once and might aswell do a bad deeds. For once." Nakangising sabi nito. "It's gonna be fun."

"Saan ang fun sa pagsira ng wedding?" Buong diing aniya. "Maaring sa inyo fun iyon, pero sa magpapakasal, fun ba iyon?" Inis na tanong niya.

Alam naman kasi niya kung paano magtrip ang mga kaibigan niya. Iyon bang hindi na ng mga ito alam kung makakasakit ba o hindi ang mahalaga ay nasatisfy ang gusto. Hindi siya sumasama sa mga ganitong klase ng pantitrip ng mga kaibigan niya dahil alam niyang hindi maganda ang patutunguhan noon.

Pero mukhang mapapasama siya sa kauna-unahang pagkakataon.

Bakit?

Well, her friend just found out about her real identity. She is a filthy rich who lives in a small apartment. A heiress to be precise.

Noon ay ayos lang sa mga kaibigan niya na hindi siya sumali pero iba na ngayon. Kapag hindi niya sinunod ang dare ng mga ito ay paniguradong babalik na naman siya sa hawla niya.

Ano pa nga ba ang pag-pipilian niya? Mukhang mapilit ang mga kaibigan niya.

Binalingan niya si Dona na nagkibit balikat lang. Siya naman ay napabuntong hininga muli.

For the first time in her life, ngayon na niya tatanungin ang sarili niya kung bakit nagkaroon siya ng mga kaibigang may saltik sa ulo. Hindi niya alam kung bakit nakaisip ng ganitong kalokohan ang mga kaibigan niya.

'Crashed a wedding? Hell no!'

"Fine. I'll do it. Pero hindi na kasama iyong nabuntis ako. Paano kung bigla nila akong dalhin sa ob-gynie, tapos makitang walang laman ang tiyan ko. Tapos kasuhan ako?"

Natawa ang mga kaibigan niya.

"Edi after mong sabihing buntis ka, tumakbo kana." Ani Melissa.

"The hell?" Napamaang na aniya. "No."

"Hindi ka kakasuhan. You are rich after all. You can bail yourself out." Sabi ni Alice na ikinatango ni Melissa.

"Ok fine, kailan ko gagawin?"

"Now." Sagot naman ng kaibigang si Alice na ikinalaki ng mata niya. "Do it now, like there is no tomorrow. Maghanap ka ng simbahan na may kasalan."

"If you don't do it. Bye bye freedom kana."
Segunda ni Melissa.

Wala sa sariling napatango nalang siya. Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin niya sa mga kaibigan niya.

Well, all she have to do now is to find a church and a wedding to crash.

NAKAILANG simbahan na sila ngunit wala parin silang makitang ikinakasal. Napasalpak sila sa isang mahabang upuan habang umiinom ng buko juice na binili nila sa tabi.

Gamit ang kamay ay pinaypay niya sa sarili dahil kanina pa siya init na init.

"I think walang ikinakasal kapag August. What's wrong with August?. It's a nice month to get wed." Reklamo ni Alice.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now