CHAPTER TWENTY THREE

41.3K 1.1K 20
                                    

Chapter 23

"SIGURADO KA?." naninigurong tanong ng binata sa kanya. "Ipapakilala mo ako sa mga kaibigan mo?."

Nakangiti siyang tumango rito. "I want them to know you before four days." Naging pili ang kanyang mga ngiti.

Klaus chuckled. "They already know me, Saiden."

"No, they don't." Aniya saka siya bumaling rito. "Hindi nila alam na minsang naging akin ang isang Klaus. Hindi man kita maipakilala sa pamilya ko, atleast kahit sa mga kaibigan ko lang."

Lumamlam ang mga mata nito habang nakangiti. "Thank you."

"You're most welcome." Aniya saka kinurot ang tungki ng matangos nitong ilong. "But before that, let's go outside, wear your mask and let's dance." Yaya niya sa binata.

Sumimangot naman ito. "Hindi mo ba ako pagbibigyan?."

Kinunutan niya ito ng nuo. "We can't have sex in this house, Klaus. Definately not, in my grandfather's music room." Aniya saka hinila ang binata palabas ng music room at tinungo ang malawak na sala kung saan dinadaos ang anibesaryo.

Binitawan niya ang binata at sinenyasang sumunod lang sa kanya patungo sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Nakita niya na naroon ang lolo at sinasayaw ang maliit na bata. Halata sa mukha nito ang saya habang buhat ang limang taong batang babae.

Akmang yayayain na niya si Klaus nang may lalaking biglang sumulpot sa harap niya. Nakalahad ang palad nito sa kanya.

"Can I have this dance with you, my lady?."kagalang-galang nitong wika.

"Ahm.." Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan dahil magalang naman siya nitong niyaya. Hindi ito ang lalaking gusto niyang makasayaw. "I'm--" napasinghap siya nang may pumulupot sa mga kamay sa beywang niya. He holds her like he owns her.

"I'm sorry, but she said yes to my invitation." Anito sa malamig na boses. "And I'm not planning to give her to anyone of you, so back off."

Lihim siyang napangiti. This guy and his possessiveness.

Tumango lang ang lalaki saka naglakad paalis sa harap nila. Siya naman ay dahan-dahan nitong ipinaharap. Nakangiti niyang sinalubong ang walang emosyong mukha nito habang matalim ang tingin sa papalayong lalaki. Nakamaskara man ay batid niyang madilim ang mukha nito. He looks really pissed and ready to punch someone. Naramdaman din niyang nakakuyom ang mga palad nito.

"What's wrong?." Tanong niya sa binata kahit alam naman niya kung bakit galit ito.

"I'm pissed!." Mahina ngunit galit nitong sambit. "No one can ever steal you away from me!." Tiimbagang nitong ani. "Subukan lang nila at makikita nilang basag ang mukha nila."

She laughed quitely then placed her arms in his shoulder. "Let them try. No one can steal me away from you. Dahil kahit gaano pa sila kagwapo at kayaman, ikaw parin ang pipiliin ko."

Ang kaninang madilim nitong mukha ay napalitan maamo at nakangiting mukha.

"Let's dance, shall we?."

"It's an honor, my lady." Anito saka inilahad ang palad.

Natawa siya sa tinuran nito habang tinanggap ang nakalahad nitong palad.

And they both dance and stare into each others eyes. Ang kanilang mga katawan ay sabay na umiindak sa napakagandang tugtog. Walang gustong huminto at walang salitang namutawi sa kanila. Ang mga mata nito ay maraming gustong sabihin pero sapat na ang kislap no'n para maintindihan niya ang ibig nitong sabihin.

They muted the people around them. Ang mga mata nila ay nakatuon lang sa isa't isa, walang ibang nakikita kundi ang isa't isa.

"SINO ANG KASAYAW mo kanina?." Sulpot na tanong ng pinsang si Eros. Nilingon niya ito at ang mga mata nito ay nasa kanya, nanunuri. "Tell me you didn't invite that guy here?." Anito habang nakasulyap sa palabas na bulto ng binata.

Herrera Series 1: She Is a Wedding Crasherजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें