CHAPTER TWELVE

45.5K 1.2K 11
                                    

Chapter 12

NAGISING SI Saiden na hindi alam kung paano siya napunta sa kanyang kwarto. Sa pagkakaalam niya ay sa sala siya natulog kagabi, pero ng magising siya ay nasa kwarto na siya at nakakumot pa. Sabog ang buhok niyang lumabas ng silid para mag-agahan.

"Saan kaba nagpunta kagabi?." Bungad sa kanya ni Alice paglabas niya ng kwarto. Inirapan niya lang ito saka dumiretso sa kusina para gumawa ng kape. "Alam mo bang halos halughugin na namin ang buong bar sa paghahanap sa'yo?. Nagpunta kami sa bawat sulok ng bar. We even go to the restroom pero nakalock!."

Napakagat labi siya nang maalala ang kababalaghang ginawa nila sa banyo. Kung alam lang ng mga ito na sila ang nasa loob ng naka-lock na restroom.

"So, ang ending. Nagpunta kami sa police station, dahil nga may nawawala kaming kaibigan." Dagdag ni Dona.

Nanlaki ang mga mata niyang humarap dito at laglag ang panga niya sa sinabi nito.  Hindi siya makapaniwalang tumingin sa dalawa. "Ano?!. Bakit?."

Pinandilatan siya ni Alice saka nakapameywang at masama ang tingin sa kanya. "Aba't nagtatanong ka pa talaga?. Malay ba namin kung nasaan ka?. Ayun, pina-blutter ka namin."

"What the hell?!." Hindi niya napigilang magtaas ng boses. "Ano ako, batang paslit?. Hindi niyo na dapat ginawa iyon dahil una sa lahat, alam ko naman ang uuwian ko."

"Malay ba namin na umuwi ka na pala?. Natakot kasi kami nang nawala ka, dahil may lalaki na mukhang arabo ang lapit ng lapit kay Carla. Nanghihingi ng autograph at picture ni Carla na kasama ang arabong iyon." Kwento nito. "E hindi pinagbigyan ni Carla dahil nga hindi nga naman kasi kagwapuhan at malakas ang kili-kili power naku, hindi pa kami nalalasing pero nahihilo na kami."

Natawa siya sa sinabi nito. "Tapos?."

"E si Carla, diba prangka?. Ayun, sabi niya maligo muna daw ang arabo--"

"May pangalan iyon, Alice. Huwag mong arabuhin." Pigil naman ni Dona kay Alice. "Saddam."

"Ayun!. Type mo?. Alam mo pangalan e?." Nakangising biro nito kay Dona.

Pinandilatan nito ang kaibigang si Alice. "Shut up."

"Anyway. Sinabi ni Carla kay Saddam na maligo muna siya ng maraming pabango bago siya nito lapitan." Natawa narin ito pero bumalik sa pagiging seryoso. "And then he threaten us. Sabi niya 'you, I will have you soon. And you will fall for me.' Kay Carla kaya natakot kami ng mapansing wala ka. Baka kaku, nakidnap ka na ni Saddam."

"Tsk, iba kumidnap sa akin." Hindi naman niya sinasadyang masabi ang bagay na iyon kaya ganoon nalang ang gulat niya maging ang mga kaibigan niya sa kanya. Ang mga tingin ng mga ito ay nagtatanong sa kanya. "...in my dream. Yes, someone kidnapped me." Pagsisinungaling niya.

"Ah.." Sabay na sambit ng dalawa habang tatangu-tango.

"How's Carla?. Natakot ba siya sa banta ng Saddam na iyon?." Pag-iiba niya ng usapan at mukhang gumana naman.

"Well, yeah. Ofcourse. Sino ba naman ang hindi matatakot e mukhang sugo ni Binladdin." Sagot ni Alice. "Mukhang terorista ang hitsura."

Hindi na siya nagkumento sa kaibigan at sumimsim nalang ng kape.

"Anyway, ikaw ulit ang sasama sa bisugo."

Bumaling siya sa kaibigan habang ang nuo ang sobra sa pagka-kunot. "Bisugo?. Sinong bisugo?."

"Si Wendy." Sagot nito saka tumawa ng malakas, sumabay narin si Dona na animo'y nagkaintindihan. "Ito kasing si Gen, naikwento ni Carla sa amin. Sinabi ba namang mukha daw bisugo si Wendy."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz