CHAPTER TWENTY ONE

43.3K 1.3K 11
                                    

Chapter 21

"NGAYON NA?." tanong ni Saiden sa pinsan na abalang nag-eempake. "Why so sudden?. Hindi pa kasi namin tapos ni Alexa ang project." Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit gusto pa niyang manatili sa isla. Narito pa kasi ang binata kaya naman gusto muna niyang manatili rito.

Hindi niya inaasahang iyon ang bubungad sa kanya, pagkauwi niya. Ang alam kasi niya ay bukas pa sila uuwi. Kanina ay ayaw pa niyang mahiwalay sa binata pero kailangan niya nang umuwi dahil alam niyang mag-aalala ang mga ito sa kanya.

Masaya siyang kasama ang binata. Hindi niya iniisip na isa siyang Herrera at ang ikakasal ang binata. Kapag kasama niya ang binata, parang normal na tao lang siya. Alam niyang mali ang makasama ang binata dahil sa ikakasal na ito. Pero ano ang magagawa niya, nahulog na ang loob niya sa binata, mahal na niya ito.

Alam niyang magiging kahihiyan ito sa pamilya niya, pero sige parin siya. At kung kasalan man na mahalin at makasama ang binata, ay ito na ang pinakamagandang kasalan na nagawa niya sa buong buhay niya.

Nakapa-meywang itong humarap sa kanya. "After what happen to you?. Nalaman ni lolo ang nangyari sa'yo mula sa reliable sourse niya rito." Anito na idiniin ang mga salita habang nakatingin sa kapatid na si Alexa. "I still want to stay here, and now--"

"Nag-alala lang naman ako!. Nag-panic, kaya tinawagan ko si mommy!. Hindi ko naman akalaing, sasabihin niya iyon kay lolo." Ani rin nito saka umirap. "Isa pa, hindi lang naman iyon ang dahilan e. Ika-100th year aniversary na ng Herrera's Empire sa makalawa. Lolo needs ate Tori's help, since she used to be a organizer."

Umirap ang pinsang si Celeste. "Tayong magpapamilya lang naman ang pagdidiwang no'n. Diba, lolo doesn't like a big celebration, so why does he need Tori's help?." Saad naman ni Celeste.

"Well, now he want it. Sabi niya gusto niyang naroon lahat ng stockholders and investors. May sasabihin daw kasi siyang importante."

"Can I stay here, instead?. Kayo nalang ang mauna, susunod ako."

Nangunot ang nuo ni Alexa na tumingin sa kapatid nito. "Is there any reason why you don't wanna go home?. Is there something here you don't want to leave, someone even?."

Natigilan si Celeste at malikot ang mata na animo'y naghahanap ng sagot sa kung saan. Mababasa sa mukha nito ang pangamba. "Ahm.. nothing. I.. ahm, g-gusto ko lang magbakasyon. T-that's all."

Iniwan niya ang magkapatid na nag-uusap sa kwarto at dali-daling nagtungo sa silid at isinulat sa papel ang kanyang cellphone number. Bumaba siya at ibinigay sa isa nilang katiwala ang papel.

"Kuya, pumunta ka sa resort. Hanapin mo si Klaus at ibigay mo sa kanya ito." Habilin niya rito. "Basta ibigay mo. Huwag mo nalang sabihin kung kanino. Alam na niya kung sino."

Tumango ang katiwala. "Sige po ms. Saiden. Pupunta na po ako ngayon."

Nginitian niya ito. "Salamat." Sambit niya saka nagmadaling pumanhik paitaas at nag-impake narin.

Nang matapos siya sa pag-iimpake ay naligo muna siya saka agad silang nagtungo sa yate na magdadala sa kanila sa papunta sa bayan ng palawan. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating sila sa airport.

Nasa waiting area sila nang marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha sa bulsa para tingnan kung sino at nangunot ang nuo niya nang makitang ang tawag ay mula sa unregistered number.

"Hello?." Tanong niya sa nasa kabilang linya.

"Hey."

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya at kagat-labing napangiti nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Agad siyang lumayo sa mga pinsan para hindi ng mga ito marinig kung sino ang kausap niya. "Klaus."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now