CHAPTER TWENTY FOUR

40.5K 1K 15
                                    

Chapter 24

MASAYA HABANG namimili sina Saiden at Klaus sa supermarket. Balak kasi nilang magdinner sa condo ng binata, pero walang laman ang bagong bili nitong refrigerator kaya naisipan nilang mamili.

Hila-hila ng binata ang shopping cart, habang siya naman ang namimili.

"Anong gusto mong lutuin natin sa hapunan, beef or chicken?." Tanong niya sa binata na pinapanood lang siyang mamili. Humarap siya rito at nahuli niya itong nakatingin sa kanya.

Nginitian siya ng binata. "Ikaw ang bahala."

"Fish?."

"Okay."

"Pork?." Tanong uli niya sa binata na nasa kanya parin ang tingin.

"Sure."

Kinunutan niya ito. "Sigurado ka?."

Napakurap ito. "H-Ha?. Ano iyon?."

Inis siyang napa-buntong hininga. "Kanina pa kita tinatanong kung ano ang gusto mong hapunan natin mamaya." Aniya saka iminuwestra ang meat section. "Beef, chicken, pork o fish?."

"I don't eat meat." Sagot nito. "I'm a vegetarian."

Inirapan niya ito. "Then why are we here?."

Klaus chuckled. "Hindi ko alam sa'yo. Sinusundan lang naman kita e. You're the boss."

Napailing nalang siya saka naglakad patungong vegetable section. Pagkatapos ay sa fruit section, sa mga can goods at sa mga chips. Lahat ng mga matagal masira at pwedeng i-stock sa ref ay binili nila.

Pagkatapos nilang mamili ay nagtungo na sila sa counter para magbayad ng ipinamili nila. Nang matapos ay akmang lalabas na sila ng supermarket nang hindi inaasahang makasalubong ang pinsan niyang si Eros. Sa kanyang pamilya, ito lang ang nakakaalam ng patago nilang relasiyon.

Matiim itong nakatingin sa kanya at nang dumako ang tingin nito sa kasama ay naging masama iyon. Itinago niya sa pamamagitan ng ngiti ang kabang nararamdaman. Batid niyang mas kinakabahan ngayon si Klaus, kompara sa kanya.

"There's a coffee shop near." Walang emosyon nitong ani saka nagpaunang maglakad.

Inilagay muna ni Klaus sa compartment ng kotse ang pinamili nila bago sila sumunod sa pinsan niya.

Umu-order na ito ng kape sa counter kaya sila na ang naghanap ng mesa.

Nilingon niya si Klaus at nakikita niya sa mukha nito ang pag-aalala. Hinawakan niya ang kamay nito dahilan para tingnan siya ng binata.

Nginitian niya ang binata saka mariing pinisil ang kamay nito. "Don't worry to much. Everything will be fine."

Mataman pa muna siyang tinitigan ng binata bago ito tumango. Ibinalik niya ang tingin sa pinsan na patungo na sa gawi nila. Umupo ito sa bakanteng upuan habang ang mga mata ay nasa kanila.

Walang salitang lumabas sa kanila hanggang sa dumating ang order nitong kape at ilang tinapay. Ito narin ang nag-abot ng kape sa kanya at kay Klaus.

"T-Thanks." Tipid na sambit ni Klaus sa pinsan na tinanguan lang nito saka bumaling sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?." Tanong niya sa pinsan.

"Mamimili." Sagot nito saka sumimsim ng kape. "Magko-conduct ako ng medical mission sa remote area next week. I was gonna buy, toiletress and instant foods for myself."

Tumango nalang siya.

"Ikaw, wala kabang balak na ipaalam sa magulang mo ang relasyon niyo?." Tanong nito saka sumimsim ng kape. "It's not like everyday you can hide it from them."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now