CHAPTER 27

42K 1.2K 31
                                    

Chapter 27

KATAHIMIKAN ANG bumalot sa pagitan ni Klaus, sa mga magulang at sa lolo niya. Matiim lang ang mga ito na nakatingin sa kanya na para bang inaalam ng mga ito kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Tulad din ng sinabi ni Eros ay hindi niya inalis ang tingin sa mga ito. Gusto niyang ipaalam sa mga ito na totoo at mula sa puso ang mga katagang binitawan niya.

"I met your grand daughter two years ago." Aniya habang inalala kung paano niya nakilala ang dalaga. "Ang apo ninyo ang dahilan kung bakit nasira ang kasal ko noon." Napangiti siya nang maalala iyon. "I can't believe that she crashed a wedding and say that I have her child."

"What?!." Pagtataas ng boses ng ama ni Saiden. Batid niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Hindi ganyang babae ang anak ko!." Asik nito.

"I know sir."

"Kung ganoon bakit mo ito ngayon sinasabi?!--"

"Enrique." Pigil ng ginang sa asawa. "Let him talk."

Bumuntong-hininga ang ama ng dalaga para siguro pakalmahin ang sarili pero base sa nakatiim-bagang nitong mukha ay halatang isang maling sagot lang niya ay magsisimula na itong atakihin siya.

"Sinabi niya na dinadala niya anak ko sa sinapupunan niya at bigla nalang tumakbo paalis. That is why you pulled out your investment to us." Saad niya. "And then I met here again after two years. She is our wedding coordinator. And then I fell in love with her. Kahit hindi ko pa alam kung sino at ano ang pagkatao niya, mahal ko na siya. Walang nagbago kahit na nalaman ko kung sino siya. That is why I'm here infront of you. I am not asking for you to like me. Gusto kong maging karapat-dapat hindi para sa inyo, kundi para kay Saiden. Dahil hindi matutumbasan ng kahit na ano ang pagmamahal ko sa anak ninyo. At kung sakaling hindi niyo ako matanggap, I'll do my best para matanggap ako ni Saiden. Because at the end of the day, her is what matters to me.

"Damn your wealth, your status in life or anything that keeping us apart. Mahal ko siya at--"

"Kung sakaling itakwil ko si Saiden at tanggalan ng mana." Don. Serio cut him off. "Matatanggap mo ba siya?."

"Yes, sir." Kaagad na sagot niya. "With all my heart."

"And what if I play villian in your lovestory and just like what villian's do, break you apart?." Kalmado uli nitong tanong.

"Gagawin ko ang lahat para mas maging matibay kaming dalawa."

Tumango ang don saka tumayo at humakbang palapit sa kanya. Ang malamig nitong tingin ay hindi maalis sa kanya. "What if I take her away from you. I will put her to a place you will never see her again?." Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabi niya. At natatakot siyang baka gawin nga nito iyon sa kanila.

Marahas siyang umiling at kung kabastusan man ang ginawa niyang pagsama ng tingin sa don ay wala siyang pakialam. Walang sinuman ang pwedeng maglayo sa dalaga sa kanya. Kahit pa kapamilya nito. "You wouldn't do that, sir."

Tumaas ang dalawang kilay nito. "But, I can. I have the power. I can command her to stay away from you, and I will disowned her if she did not obliged. I will play villian whenever I want. I will take her away from you, because I have the power."

Tumayo siya upang pantayan ang matanda. Nagtagis ang bagang niya at masama ang tingin sa matandang kalmadong nakatayo sa harap niya.

They were staring at each other, ready to counter each words.

"I won't let you." Mariin niyang wika. "No one is going to take her away from me. Not your family and not even your power. Wala akong pakialam kung ikaw ang mas makapangyarihan sa lahat at kahit ikaw pa ang lolo niya. Dahil kahit na may isang libo kang dahilan para ilayo siya sa akin, hahanap ako ng isang paraan para huwag siyang mawala sa akin."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon