CHAPTER FOURTEEN

42.9K 1.1K 6
                                    

Chapter 14

"SAAN MO ba ako dinala?." Inis na tanong niya sa binata nang huminto ang sasakyan nila sa tapat ng isang bahay. Kanina pa niya tinatanong ang binata pero wala lang itong kibo. Ang ginagawa lang nito ay magmaneho at kung minsan ay pinagsisiklop nito ang kanilang kamay.

May mga oras na pinaglalandas nito ang daliri sa kanyang maputi at makinis na binti na nagdadala ng kakaibang init sa kanya. Lihim din siyang napamura nang maramdamang basa na ang panty niya.

Hindi na naman siya pinansin ng binata at lumabas lang ito sa sasakyan at lumipat sa kabila para pagbuksan siya.

"Let's go." Anito saka akmang hahawakan ang kamay niya nang iniwas niya ito. Kumunot ang nuo ng binata. "What's wrong?."

Pinag-krus niya ang kamay saka masamang tumingin sa binata. "Hindi ako bababa hangga't hindi mo sinasabi kung nasaan tayo!."

Klaus sighed then looked at the house. "It's my cousin's house."

"Anong gagawin natin dito?."

Bumaling ito sa kanya. "Papabantayan kita, kasi may pupuntahan lang ako." Sagot nito.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano ako, bata na ihahabilin pa sa iba?. Matanda na ako!, at pwede mo naman akong iwan sa condo ko!." Singhal niya sa binata.

Tumiin ang bagay nito saka masamang nakatingin sa kanya. "Para ano?. Para makipag-usap na naman sa lalaking iyon?!. No fucking way!."

Inis niyang tinanggal ang seatbelt saka bumaba sa kotse at humarap sa binata. "Wala ka ng pakialam doon!. Diba ikaw na ang nagsabi, na--"

"Huwag kayong magsigawan, nakakaisturbo kayo sa taong gustong natutulog." Anang baritonong boses ng lalaki dahilan para hanapin nila ang boses na iyon.

And there he is, standing, seriously looking at them. Naka-krus ang kamay nito at gustong-gusto niyang tanungin ang diyos kung bakit ba mayroong mga lalaking ganito sa mundo. Just like Klaus.

Puno ng grasa ang suot nitong sando at maging mukha nito ay mayroon rin. Pero hindi parin nawala ang kagwapuhang taglay nito. Magkasing-tangkad lang si Klaus at ang lalaki, matipuno rin ang pangangatawan nito. Bumabakat sa sando nito ang pruweba niyon at hindi nakatakas sa panginin niya ang tattoo nito sa balikat. Nakasuot din ito ng maong na short at sa kaliwang bulsa nito ay may maduming bimpong nakasukbit.

May hikaw ito sa tenga. Makapal ang kilay nito at singkit ang mga mata. Matangos din ang ilong nito. Ngumunguya ito ng chewing gum kaya makikita ang perpektong panga nito. Overall, napakaangas ng dating nito.

Nakatingin ito sa kanya ng diretso na para bang hinahalukay nito ang buong pagkatao niya.

"Gusto mong dukutin ko ang mga mata mo, Kile?." Walang emosyon at galit na tanong ni Klaus sa taong nagngangalang Kile.

Ngumiti ito na ikinagulat niya. Mas gumwapo ito kahit na ang dungis ng mukha at katawan nito. Pwede na itong maging endorser ng toothpaste dahil sa ganda at maputi nitong mga ngipin. "What can I say?. She is dazzlingly beautiful."

"Don't hit on my woman, Kile. Kung ayaw mong, magkasubukan tayo." Asik ni Klaus sa pinsan. Madilim ang tingin nito sa pinsan.

Nagtaas ng dalawang kamay si Kile saka tumawa. "Ok, ok. Masama ba siyang purihin?."

"Ako lang ang gagawa no'n, Kile."

Kile chuckled. "Anyway, what are you doing here?." Pag-iiba nito ng usapan saka kinuha ang bimpo sa bulsa at pinunas sa maduming mukha. "It's been two years since we last saw each other. Kailan na nga ba iyon?." Anito saka umaktong nag-iisip.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon