CHAPTER SEVEN

44.2K 1.1K 17
                                    


Chapter Seven

NANG MAGISING si Klaus ay kaagad niyang hinanap ang dalaga. Paggising kasi niya ay wala na ito sa tabi niya. Gusto kasi niya itong makausap tungkol sa nangyari sa kanila, pero hindi niya makita ang dalaga kahit saan.

Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyon?.

Naiinis na nagtungo siya sa resto ng hotel sa pag-aakalang nandoon ang dalaga pero hindi niya ito nakita doon maliban sa dalawa nitong kaibigan na nag-aagahan.

Kaagad niyang nilapitan ang mga ito. "Si Saiden, nasaan?." Tanong niya na ikinakunot naman ng nuo ng dalawa.

"You should greet us 'goodmorning' first mr. Romualdez." Walang emosyong ani ng babaeng hindi pa niya nakilala. "And to answer your question, our friend, Saiden, left us without telling why--"

"Ano ka ba, Dona?!. That's not how you talk to our client." Pigil ng nag-ngangalang Alice saka nakangiting bumaling sa kanya. "Nauna na si Saiden na bumalik sa maynila. May aasikasuhin kasi siyang birthday party kaya nauna na sa amin. Anyway, uuwi narin kami, tatapusin lang namin ang breakfast tapos sasakay nalang kami ng bus. Pakisabi nalang sa bruha mong mapapangasawa na salamat sa invite. Though we don't get any special treatment we still enjoyed the rest of the day."

Nanlulumo siyang tumango sa mga ito.

"So, we'll see you tomorrow?. May meeting tayo with the catering. Bring the bruha ok?." Sarkastiko nitong ani saka tumayo. "Goodbye, Klaus." Paalam nito ang isa naman ay hindi manlang  siya tinapunan ng tingin.

Agad niyang hinanap ang mga kaibigan para sabihin sa mga ito na uuwi narin sila. Gusto na niya umuwi dahil bukas ay paniguradong makikita niya ang dalaga.

Napangisi siya sa naisip. 'And I'll make sure that you and I will have a second round. This time, you're gonna moan my name.'

"Yow!. Are we leaving?." Tanong ni William sa kanya saka siya tumango. "Finally!. I miss home already. Makikita ko na ulit ang cute kong pamangkin."

'And I'll see her again.' He smirked evilishly.

"THANKS FOR coming here." Aniya nang makita ang kaibigang si Mye sa labas ng condo niya. Kasama nito ang mga kaibigan niyang sina Cris na isang chef at si Carla na isang sikat na singer-actress. May bitbit din itong isang babae na kahawig ni Carla at isang lalaki naman na kahawig ni Cris.

Si Mye ang unang naging kaibigan niya at naging kaibigan niya ang dalawa dahil nirecommend sa kanya ni Mye ang mga ito. Pero noon pa man ay kilala na niya si Cris, dahil ito lang naman ang kaisa-isang kaibigan ng pinsan niyang si Eros. Hindi niya ito close noon dahil ayaw itong ipahiram sa kanya ni Eros. Si Carla naman ay kaibigan din ng pinsan niyang si Celeste, hindi din niya naging close ito dahil ayaw niyang ma-expose sa limelight.

Pero ngayon lang niya nakita ang dalawa nilang kasama na mukhang malayo ang loob sa isa't isa. Ang lalaki ay punong-puno ng mga iba't ibang abubot sa katawan samantalang ang babae naman ay dinaig pa si mama marry sa suot. Naka-turtle neck ito saka mahabang skirt. Ang mahaba nitong buhok ay nakaipit. Maganda ito kung aayusan.

Nakipagbeso siya sa tatlo at lumapit naman si Cris sa dalawang ngayon palang niya nakita. "This is my cousin, Kenjie." Pakilala niya sa lalaking mukhang hapon saka siya bumaling sa babae. "And this is Gen, Carla's youngest sister and my cousin's fiancèe."

"Anong fiancèe?!." Sigaw ng nagngangalang Kenjie saka nito tinabig ang nakahawak na kamay ni Cris sa braso. "Did I agree?. Diba ang sabi ko, sa bata lang ako may responsibilidad--aray!." Napadaing ito nang bigla siyang batukan ni Carla.

"Subukan mong hindi panagutan ang kapatid ko, hindi lang iyan ang abot mo!. Puputulin ko iyang pinakaiingatan mo at ipapakain ko sa pating!." Pananakot ni Carla at gusto niyang matawa dahil halatang natakot ito at animo'y naiintindihan kung ano ang tinutumbok ni Carla kaya naman aligaga niya iyong tinakpan. "Ikaw Kenjie a!, magkakaanak kana, tigil-tigilan mo na ang pambababae dahil talagang gagawin ko iyon. I am dead serious!." Dagdag pa nito saka nanggi-gigil na umupo sa pang-isahang sofa. "Can I have water?. Mukhang mahihimatay ako sa araw araw na sermon sa dalawang iyan!."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now