CHAPTER TWENTY

45.1K 1.2K 19
                                    

Chapter 20

HINDI MAPAKALI si Saiden habang hinahanap ang blueprint niya. Hindi niya ito mahanap kahit saang sulok ng bahay. .

"Ate Edna, pakitingnan nga sa baba." Utos niya sa katiwala sa bahay. "Baka kasi naiwan ko doon o may napaglagyan lang ako. O kaya naman paki-check sa basurahan."

Napakamot nalang ang katiwala at ngumuso. "Saiden naman, kanina pa ako naghalughog sa buong bahay, pero wala akong nakita. Kahit saang sulok ng bahay pero wala parin."

"Sigurado ka?."

"Oo nga. Ayoko ng mangalkal ng basura dahil kaliligo ko lang." Anito saka siya tinalikuran. Sinundan niya ito ng tingin at hindi makapaniwala sa inasta. Kung ibang amo lang siya at masungit pa ay siguradong nasisante na ito.

Pabagsak siyang umupo sa sofa at pilit na inaalala kung saan ba niya naiwan ang blueprint. Narinig niya ang pagbukas ng isa sa mga pinto pero hindi niya ito pinansin. Ang isip niya ay nasa blueprint.

"Baka naman naiwan mo sa resort?." Nakapameywang na tanong ni Celeste habang nakakunot ang nuo. "Diba nandoon tayo kanina para tingnan iyong location ng project niyo. Tapos umuwi tayo, wala ka ng dala."

"Shit!." She cursed out loud. "Oo nga

"Yeah, shit." Sarkastiko nitong sabi. "Ano ba kasi ang iniisip mo at nakalimutan mo pa ang napaka-importanteng bagay?."

Nakagat niya ang labi ng maalala ang binata. Iyon ang sa tingin niya ang dahilan kung bakit niya nakalimutan ang blueprint. Na-concious siya sa suot at sa binulong nito. Pati narin ang paghawak ng mainit nitong kamay sa bewang niya.

"Babalik ako sa resort." Aniya saka nagmadaling lumabas.

"Huwag na, bukas nalang. Mukhang hindi maganda ang panahon." Pigil nito sa kanya.  "Tatawagan ko nalang ang staff ng resort para ipahanap ang blueprint mo. Tapos balikan nalang natin bukas."

Marahas siyang umiling. "No. Ako na ang kukuha." Aniya saka nagmadaling lumabas. Tumingala siya at nagpakawala siya nang malakas na buntong-hininga nang makitang madilim ang kalangitan.

'What a perfect time to ruin my day.' Bulong niya sa isip.

Pero hindi parin siya natinag. Kahit na sino ay walang makakapigil sa kanya. Kailangan niya ang blueprint by hook or by crooked.

Agad niyang kinuha ang kanyang kabayo saka siya sumampa at pinatakbo iyon sa lubag at mabatong daan. Ang rest house nila ay sa kabilang bahagi pa ng isla kaya at ang resort naman ay sa kabila rin. It'll take long for her to get there at mahihirapan siya kung uulan pa. Hindi kasi patag ang daan at mapanganib pa ito kapag basa dahil madulas.

Aakyatin pa niya ang dalawang bundok bago makarating sa resort.

Walang-humpay sa pagsipa si Saiden sa kabayo hanggang sa malampasan niya ang unang bundok. Akala niya ay makikisama sa kanya ang kalangitan pero nagkamali siya dahil bumuhos ang napaka-lakas na ulan.

"Damn it!." She shout in irritation. Hindi parin siya huminto. Basa man ay hindi parin siya huminto. Dahil kapag nalampasan niya ang ikalawang bundok ay patag na.

Ngunit sadya talagang minamalas siya nang madulas siya sa kabayo dahilan para mahulog siya at gumulong.

"Arrgghh!!." Sigaw niya saka kaagad na tumayo. "Why am I so unlucky today!." Hindi niya dala ang cellphone, basang basa siya sa ulan, pagabi na at tinakbuhan pa siya ng kabayo niya. "Great!." Sigaw niya ulit. "Just great!."

Luminga-linga siya upang alamin kung nasaan siya. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag dahil kabisado niya ang buong isla. At kabisado niya kung saan banda ang treehouse na ginawa ng ama niya noong bata pa siya.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon