CHAPTER 29

46.6K 1.2K 20
                                    

Chapter 29

"ACCORDING TO POLICE report. Huli daw nilang na-track si Drake Telton sa isang convinient store. Hindi pa nila nahuhuli, pero alerto silang lahat." Imporma ni Roxanne Herrera. "At iyong nagngangalang Dona, natagpuan siyang patay sa ilog pasig kahapon. Inilibing na dahil wala namang pamilyang kumuha. Hindi Dona ang totoo nitong pangalan kaya hindi na naghanap pa ng pamilya ang mga pulis."

Nasa opisina sila ni Eros dahil may importante daw silang pag-uusapan. Akala niya ay sila lang magpapamilya ang mag-uusap pero hindi niya inasahang isasama siya ng don.

He insist, but don Serio was so persistent.

"Bakit hindi parin siya nahuli?!." Sigaw na tanong ng don. "I want him in jail. Hindi ko hahayaang makapanakit pa ang taong iyon, lalo na sa inyo na pamilya ko."

"Don't worry, lolo. I doubled the bodyguards in the mansion. Dinagdagan ko din ang mga bodyguards ni Celeste. Si Alexa naman, pinauwi muna namin sa mansion."

"How about Sera?, si Nathalie at si Eros?. At ikaw?. How about your safety?."paulit-ulit na tanong ng don. "I can't risked that."

Roxanne sighed. "Tumangi si Sera, lolo. Sa aming lahat, siya lang naman ang hindi nakatanggap ng death threats." Anito na masamang tingin bumaling kay Sera na prenteng nakaupo at magka-krus ang mga kamay. Nakapikit ang kanyang mga mata at parang may sariling mundo. "Parang may sariling mundo. Ni tayong pamilya niya hindi alam ang bahay niya, iyon pa kayang taong iyon."

Bumaling muli siya sa doktora pero parang hindi nito narinig ang mga sinabi ni Roxanne.

"Are you even listening with us, Sera?." Inis na tanong ni atty. Herrera sa doktora.

Walang ganang  iminulat nito ang kanyang mga mata at malamig ang tinging dumako iyon kay Roxanne. "Are you talking about something?." Balik-tanong nito.

Napamaang nalang si Roxanne.

"Kung wala ka ng sasabihin," saad nito saka tumayo. "Kailangan ko ng puntahan ang mga pasyente ko na mas kailangan ang oras ko."

"This is important too, Sera!." Hindi na napigilan ni Roxanne ang magtaas ng boses. "Buhay natin ang nakasalalay dito!."
Kalmado lang ang doktora na hindi manlang natinag sa pagsigaw nito. "Wala tayo sa korte kaya huwag kang magtaas ng boses. Ospital ito at bawal ang mabunganga sa lugar na ito."

Nagtagis ang bagang na lumapit si Roxanne kay Sera. Bumaling siya sa ibang naroon at lahat sila ay kalmado at hindi nagtangkang awatin ang dalawa. Parang alam nila na hindi aabot sa sakitan ang dalawa.

Kahit ganoon paman ay nakaramdam parin ng pagkailang. It's  awkward being in the situation where you watch them argue and you can't do anything about it because you aren't part of their family.

"Kung sa'yo, biro lang ang lahat, pwes ibahin mo kami." Nang-gigigil nitong sabi. "Huwag mo kaming itulad sa'yo na walang pakialam sa mundo."

Nagkibit-balikat lang ang doktora na halatang nang-iinis. "Okay, can I take my leave now?."

"You are impossible!."

Walang-emosiyon itong ngumisi saka isinuot ang labcoat. "What can I say. I'm heartless." Anito saka naglakad palabas ng silid.

"Can you believed that?!." Tiim bagang na tanong ni Roxanne.

"Para namang hindi ka nasanay sa ugali ni Sera." Sabat naman ng ama nitong si mr. Ernesto. "Maswerte ka na at pinapansin kapa."

Roxanne snorted. "I'd rather be unlucky than talking to her. She's irritating me, ugh!."

"Calm down, will you?." Sabat naman ni Celeste. Masama narin ang tingin nito. "Sa ating lahat, ikaw dapat ang kalmado. Sera is right, we are not in the court. Huwag mong dalhin ang iritasyon mo sa natatalo mong kaso dito sa ospital ng mga kapatid ko!."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now