EPILOGUE

68.3K 1.7K 106
                                    

EPILOGUE

TULALA LANG SI Saiden habang nakatanaw sa labas ng kanyang balkonahe. Tulad nga ng sinabi ng binata sa kanya ay dalawang araw bago ito magpakita sa kanya. Pero tanghali na at wala pa ito, hindi tuloy siya mapakali.

'Or he's enjoying honeymoon with that woman.' Mabilis niyang ipinilig ang ulo para maalis sa isip na posibleng nasa honeymoon nga ang binata.

She tsked. "Hindi marunong tumupad sa pangako!." Asik niya sa hangin. "Magpakita ka lang sa akin tingnan mo, lulumpuhin kitang lalaki ka!." Nang-gigigil niyang saad.

Napa-buntong hininga nalang siya para pigilan ang inis na nararamdaman. Simula kasi nang hindi magpakita ang binata ay lagi na mainit ang ulo niya. Kagabi lang ay sinasabihan siya ng ina na mag-beauty rest para hindi raw siya magmukhang impakta ngayong araw na ito.

Pero kahit na anong gawin niya kagabi ay hindi siya makatulog. Lagi siyang nagigising sa tuwing mararamdaman niya na parang hinalukay ang tiyan niya o kaya naman ay nagugutom siya. At mas nakadagdag pa sa puyat niya ang laging pagpasok ng mukha ng binata sa isip niya.

Nami-miss na niya ang binata at hindi niya alam kung saan ito hahanapin. Hindi rin siya makalabas ng bahay dahil binabawalan siya ng mga magulang niya. Ang mga kaibigan niya ang dumadalaw sa kanya.

Kahapon ang huli nilang pagkikita at naikwento nila sa kanya ang nangyari kay Dona. Galit parin siya rito pero mas nananaig ang pagiging magkaibigan nila. Nalulungkot siya dahil mas pinili nitong maghigante kaysa magpatawad.

Naiintindihan naman niya kahit papaano ang kaibigan. Nawalan ito ng mahal sa buhay. Pero hindi solusyon ang paghihigante sa lahat ng bagay. At kahit galit siya rito ay napatawad na niya ito. Hinihiling nalang niya na masaya na ito kung nasaan man siya.

Muli siyang napabuntong-hininga saka tumingala sa kalangitan. 'Kung nasaan ka man, Dona. Sana mapatawad mo na ang lolo ko. Sana, masaya ka na.'

Gulat siyang lumingon nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito ang humahangos niyang mga kaibigan. Si Melissa ay may hawak na kulay white dress.

"A-Anong nangyari sa inyo?." Nagtataka niyang tanong. "Bakit kayo narito?."

Kaagad na lumapit sa kanya ang kaibigang si Alice. "Ngayon ang kasal ni Klaus!."

Para siyang tinakasan ng lakas sa ibinalitang iyon ni Alice. Akala niya ay mahal siya ng binata pero kinain pala nito ang mga sinabi. Hindi pala nito kayang panindigan ang mga sinabi sa kanya.

Akala niya ay magbabago na ang isip nito kapag siya ang kasama at nakikita pero mali siya. She assumed to much at parang sampal sa mukha niya ang katotohanan.

Pinigil niya ang luha na gustong kumawala sa kanya at nagpanggap na hindi apektado, pero sa loob niya, ang parang dinudurog ng pinong-pino ang puso niya.

"E ano ngayon?." Taas-kilay niyang tanong saka umupo sa pang-isahang sofa. "Diba, ikakasal naman talaga siya?."

"Let's crashed the wedding." Suhestiyon ni Alice at akmang hihilain siya nang kaagad niya itong mahila. Kumunot ang nuo nito sa ginawa niya. "What's wrong?."

Marahas siyang umiling. "I can't."

"Hindi mo pipigilan?." Namamanghang tanong ni Melissa. "Magpapaubaya ka nalang?."

"Kung lalaban ako, matatalo lang ako. He's doing it for the sake of his family." Aniya saka nag-iwas ng tingin. Ayaw niyang salubungin ang matiim na tingin ng mga kaibigan. "Magiging makasarili ako kung iisipin ko pa ang sarili ko."

"Sige, pero may tanong ako." Ani Alice saka pinag-krus ang mga kamay at animo'y nanunuri ang tingin. "Mahal mo ba Klaus?."

Kaagad siyang tumango. "Oo. Mahal ko siya."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWo Geschichten leben. Entdecke jetzt