CHAPTER EIGHTEEN

41.1K 1.2K 13
                                    

Chapter 18

IT'S BEEN TWO weeks since the last time Klaus saw Saiden. Sinubukan niyang pumunta sa condo nito upang silipin sana ang dalaga pero hindi niya ito nakita sa loob ng dalawang linggo. Nabalitaan din niya na nagbakasyon ang pamilya Herrera sa isang isla sa nakalipas na dalawang linggo. Pinuntahan rin niya ang ospital kung saan nagtatrabaho si Eros pero wala doon ang binata.

Desperado na siyang makita at makausap ang dalaga. Nagsisisi sa sa lahat ng mga nasabi niya rito. Lahat ng iyon ay walang katotohan dahil hindi ganoon ang tingin niya sa dalaga. Kahit hindi niya ito kilala ng lubusan ay hindi niya ito pinag-isipan ng masama. Galit lang siya kaya niya nasabi iyon at gusto niyang humingi ng tawad sa dalaga.

Miss na miss na niya ang dalaga. Miss na niya ang amoy at halik nito. Para siyang ninakawan ng kasiyahan sa loob ng dalawang linggo nang mawala ang dalaga. Parang wala siyang ganang makipag-usap sa mga kaibigan niya. Ang tanging nasa isip lang niya ay kung paano niya masusuyo ang dalaga. 

"Klaus.." Napakurap siya nang pukawin ni Wendy ang lutang niyang isip. "Are you with us?." Tanong ni Wendy sa kanya. Sa nakalipas na dalawang linggo, ito ang kasama niya at walang oras na hindi nasisira ang araw niya kapag nagsisimula na itong magsalita. Mas gusto pa niyang makasama ang tahimik na si Saiden kaysa rito.

"Y-Yes. Continue."

"As I was saying." Anang bagong coordinator nila. Nagback-out kasi ang dati nilang coordinator dahil sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan. Kaya kumuha ulit sila ng bagong coordinator kaya ngayon, bago na naman ang venue, reception at iba pa.

Nauubusan na siya ng oras, tanggap na niya na hindi na niya masusuyo ang mga Herrera at wala na siyang pakialam doon. Ang tanging nasa isip lang niya ngayon ay kung paano masusuyo ang dalaga. Alam niyang galit ito sa kanya dahil sa masasakit na sinabi niya rito. And he wants to punch himself for that. Handa siyang gawin ang lahat, mapatawad lang siya ng dalaga.

Gusto niyang takasan ang babae pero hindi niya magawa dahil kasama din nila ang mga magulang nila na abala sa paghahanap ng magagandang lugar sa magazine.

"May isang magandang resort sa palawan. Maganda ang lugar para sa perfect wedding reception and beach wedding dahil narin makikita niyo pa ang paglubog ng araw." Saad ng wedding coordinator saka  ipinakita ang larawan ng isang resort. "That resort is just one fourth of the property. Iyan lang ang available dahil iyong iba, private place na. Open iyong iba tulad ng water falls at kung gusto niyong mag-hiking ay pwede rin. Basta ay hindi kayo lalagpas doon sa may warning zone."
Paalala nito na para bang alam nito ang kabuuhan ng isla.

"How did you know that?." Nagtatakang tanong ng ama niya. "Have you been here before?."

"No sir. I called the care taker as soon as I saw the place in one of the old books. I think matagal ng open for public ang lugar pero isinara five years ago dahil walang nag-aasikasu."

"So open na ito ngayon?." Tanong naman ng ina ni Wendy.

"Yes ma'am. Actually one weeks na itong open."

"That's fine with me. And I think I'll visit that place, maybe tomorrow. Let's go together as a family?." Suhestiyon ni Wendy na ikinainis niya. He wants to stay, para mahanap ang dalaga.

"That's actually a good idea. I'll bring the whole family tomorrow." Ang ina naman niya ang nagsalita. "Excited na tuloy ako, balae."

"Me too, balae. It would be a perfect vacation dahil hindi lang isang pamilya, kundi dalawa." Ani naman ng ginang.

"Marami pa akong tatapusing trabaho, baka hindi ako makasama." Dahilan niya.

Pinandilatan siya ng ina. "No, Klaus. You are coming with us. Kasama naman sila Kile at Miles at mga kaibigan mo kaya hindi ka maboboring."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherDove le storie prendono vita. Scoprilo ora