CHAPTER TWO

55.3K 1.4K 24
                                    


Chapter Two

"IS EVERYTHING settled? The flowers?, na-distribute ba ng maayos at sa tamang tao ang mga invitation?, how about the map?, the reception?, the guest, are they doing fine?" Sunod sunod na tanong niya kay Joven, isa sa mga kasama niya.

"Yes, miss. Everything is settled. Na double check ko narin ang simbahan. The bridal car is on it's way here. Lahat ng guest ay nasa church narin. Mga abay at ang bride nalang ang hinihintay."

Nakahinga siya ng maluwag.

"How about the dj? Iyong singer natin, sure na makakarating? The catering? Lahat lahat?" Tanong uli niya. Hindi pwedeng may pumalya sa lahat ng inasikaso niya.

"Yes, ms. Saiden. Lahat ay maayos na." Sagot nito saka umalis.

She heaved a sighed and then smile. Everything is great according to her plan and she's not gonna blew it. Marami ng couples ang dumaan sa kanya at kahit minsan ay hindi pa siya nagkamali pero ayaw niyang magpakampantante, mabuti ang sigurado.

Nang madouble check niya ang lahat sa hotel ay agad naman siyang nagtungo sa simbahan. She wants to see if everything is really doing great. Nandoon naman si Dona at Alice pero iyong dalawang iyon ay makakita lang ng gwapo, nadi-distract niya.

And she is damn right. Dahil pagbaba niya ng kotse ay natanaw niya si Dona na may kausap na lalaki. Mukhang isa ito sa mga guest.

Lalapitan sana niya ito para sitahin pero nahinto siya nang makitang may flower girl na parang nahihirapan sa suot.

Agad siyang lumapit dito. "Hi there. You need help?"

Inosenteng tumingin ang bata saka tumango at tinuro nito ang napunit nitong bestida. Mabuti na lamang at lagi siyang handa sa mga ganitong bagay. Hinila niya ang bata sa pinakamalapit na bench at pinaupo.

Agad niyang kinuha ang sewing kit sa bag niya at naghanap ng sinulid na kaparehong kulay ng bestidang suot nito at tinahe.

"There, good as new." Aniya ng matapos siya sa pagtatahe.

"Thank you." Sambit ng batang babae saka naglakad papunta sa iba pang mga flower girl.

Akmang tatayo na siya nang may humintong lalaki sa harapan niya. Nang tingnan niya ito ay nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pamilyar na lalaki.

Ito iyong nakita niya sa mall kahapon. Bigla siyang nilukob ng takot at nanlamig siya ng sobra.

But what is he doing there?

"Ikaw ba si Saiden Fajardo?" Tanong nito.

"Y-Yes? How can I help you?"

May inilabas itong I.d. "I'm a private investigator. This family is looking for you for two years. And they want to talk to you."

Could it be her parents?. Mas lalo siyang kinabahan sa pag-aakalang ang mga magulang niya ang nagpapahanap sa kanya. It's been five years since she last saw them, bakit ngayon lang siya ng mga ito hinahanap?.

"For what? Sinong pamilya?" Tanong niya.

"It's better if you'll come with me."

Tumayo siya at inihanda ang sarili sa pagtakbo. "Look, mister. I don't know you. Wala akong pakialam kung isa kang private investigator." Tatalikod na sana siya nang bigla itong magsalita.

"It's either you'll come with me or we'll sue you for ruining a wedding two years ago."

Nanlamig siya sa sinabi nito saka dahan dahang humarap dito. "W-What are you talking about?" Kinakabahan niyang tanong.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now