CHAPTER FIVE

44.3K 1.2K 14
                                    


Chapter Five

"ANO NAMAN kaya ang nakain ng bruha na iyon at inimbitahan pa tayo sa rito?" Inis na tanong ng kaibigang si Alice nang makarating sila sa isang resort na pagmamay-ari ng mga Romualdez. "I love do parties, but if it comes from her, it's a no, no."

Natatawang umiling siya sa sinabi nito. Grabe talaga ang pagkaayaw ni Alice sa Wendy na iyon. Maging siya ay hindi alam kung bakit sila inimbitahan ng babaeng iyon sa Resort ng mga Romualdez.

Kung inimbitahan sila para pag-usapan ang nalalapit na kasalan ay pwede naman siguro iyong i-set sa ibang araw, bakit kailangan pang itaon kung sa kaarawan niya?.

Isa pa, hindi naman sila close.

"Huwag ka ng magreklamo diyan!" Singhal ni Dona kay Alice. "Kung kailan nandito na tayo, saka mo lang 'yan sasabihin? Iba ka."

"Tsk, bakit ba lagi ka nalang may kontra sa lahat ng sasabihin ko?!" Inis naman na tanong ni Alice.

"E bakit ba kasi kailangan mo pang magsalita? Magpasalamat ka na lang at may taong nag-imbita sa'yo, hindi iyong magsasalita kapa ng kung anu-ano sa likod nila." Anito saka umirap.

Umirap din si Alice saka pinag-krus ang kamay. "Whatever!"

Natatawang pinanood nalang niya ang mga kaibigan na laging nagbabangayan. Kung nandito lang si Melissa ay tiyak na pareho sila ng mararamdaman. Sayang at wala ito at ang anak ngayon. Wala tuloy siyang libangan.

Kahit papaano ay nababawasan din ang pagka-miss niya sa pamilya niya. Dahil kasi sa mga kaibigan niya naaalala niya ang pamilya niya.

Naalala niya kay Dona at Alice ang pinsan niyang sina Eros at Sera na nagbabangayan. Kay Melissa naman niya naaalala ang ina kung paano nito alagaan at mahalin ang kanyang anak ay ganoon din ang ina niya.

'Kamusta na kaya silang lahat? Nami-miss ko na sila.'

Binalot ng sandaling lungkot at pangungulila ang buong pagkatao niya ngunit agad ding nawala nang marinig niya ang matinis na boses ni Wendy.

"Oh, you're here?" Anito habang nagagalak. "Come on in. Ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko." aya nito nang may munting ngisi sa labi.

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kaba base sa pagngisi nito ay para bang may maitim itong plano.

Nababagalan siguro ito sa kanila ay dali-dali siya nitong hinila hanggang sa makapunta sila sa kinaroroonan ng mga kaibigan nito.

"Everyone, this is Saiden.." Bumaling ito sa kanya. "What's your surname?"

Binaklas niya ang kamay ni Wendy na nasa braso niya. "Just Saiden."

Tumaas ang dalawang kilay nito. "Oh, ok." Saka nito ipinakilala ang mga kaibigan niya.

May lumapit naman sa kanyang lalaki nakaswim trunks at nakasando. Gwapo at maganda ang pangangatawan nito, pero hindi nito makuha ang pagkamangha sa kanya. He is just handsome that's all.

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "I'm Rupert."

"Hi." Aniya saka inabot ang kamay at agad din naman niya iyong binitawan. Bumaling siya kay Wendy

"Can we check in first, ms. Salcedo?"

"Well, sure. Wala pa naman si Klaus. At pagkatapos niyong mag-check in, magsuot narin kayo ng swimsuit. Let's go to the pool area and have some fun!" Saad nito.

Tango at tipid na ngiti lang ang itinugon niya saka sumenyas sa mga kaibigan na mukhang nalugi ang mga mukha. Pumunta sila sa reception area para magcheck in, pero nakakuha na pala ng room si Wendy para sa kanila kaya ang gagawin nalang nila ay magtungo roon.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now