CHAPTER SEVENTEEN

41.1K 1.3K 28
                                    

Chapter 17

LAGLAG ANG panga habang malalaki ang matang nakatingin ang mga kaibigan ni Saiden sa kaniya, or should she say, sa pinsan niyang si Eros na tinutulungan siyang mag-alsabalutan. Para bang nakakita ang mga ito ng hindi pangkaraniwang tao.

"I'm thirsty." Ani Eros. "Pupunta lang ako ng kusina para kumuha ng tubig. Babalik din ako kaagad."

Tumango siya. "Sige."

Nang makalabas ito ay agad na nagsipaglapitan ang mga kaibigan niyang si Alice, Dona at Melissa sa tabi niya.

"My god, Sai. Hindi ako makapaniwalang nakita ko sa personal ang pinsan mo." Saad ni Alice na animo'y uod na binudburan ng asin sa kilig. "Ang gwapo niya."

"Well, it runs in the family." Nakangiting ani naman ni Saiden.

"Imagine mo, kung panay lalaki ang pinsan mo?. My god Saiden, magpapaampon ako sa'yo." Kinikilig na ani ni Alice.

Dona snorted. "Edi, magiging pinsan mo rin sila."

Alice glared at Dona. "Lagi ka talagang may sagot e noh?."

Tiningnan niya si Melissa na mukhang ayaw talaga siyang paalisin. Kanina pa siya nito pinipigilang umalis.

"Why are leaving all of a sudden?." Tanong ni Melissa. "Hindi ka na ba namin talaga mapipigilan?."

She sighed. Ayaw rin naman niyang umalis, pero ito ang kondisyon ng lolo niya sa kanya. Babalik na siya sa bahay at aasikasuhin ang naiwanang trabaho, kapalit no'n ay ang kalayaan niya na
hahayaan siya ng pamilya niyang gawin ang gusto niya.

"Bibisita naman ako tuwing linggo e. Hindi naman ako mawawala. Lilipat lang ng bahay pero hindi naman mawawala ng tuluyan." Paliwanag niya. "Kayo ang nakasama ko sa limang taon nating pagkakaibigan and I'm thankful to that. Kaya hindi ko kayo iiwan. Promise."

Dona's eyes watered. "Promise iyan ha. Dahil kapag hindi ka tumupad, maniniwala na akong lahat ng mayaman ay matapobre."

She laughed then nod. "Promise."

Mahigpit siyang niyakap ng mga kaibigan niya na masuyo naman niyang tinugon.

Pagkatapos niyang mag-impake ay nakipag-kwentuhan muna siya sa mga kaibigan. Napag-desisyonan ni Alice at Dona na sa condo na nila ang mga ito manirahan kasama ni Melissa at anak niyang si Isla.

Nakipagkilala din ang mga ito sa pinsan niya at noong nakilala na nila ito at komportable na sila sa isa't isa ay halos maetsapwera na siya ng mga ito.

Niyakap niya ulit ng mahigpit ang mga kaibigan bago sila nagpaalam ni Eros.

"Bisitahin mo kami a." Paalala ni Dona sa kanya.

She smiled the nod. "I will."

Nang makalabas sila sa condo unit niya ay hindi niya inasahang makakasalubong nila si Drake. Nangunot ang nuo nito nang makita ang mga maleta niya.

"You're leaving?." Tanong nito sa kanya.

Tumango lang siya.

"Can I atleast have a cup of coffee with you?. There's a coffee shop nearby."

Kagat-labi niyang binalingan ang pinsan na si Eros na walang emosyong tumango naman. "Ako na ang mag-uuwi ng mga gamit mo. I will send our driver to pick you up in thirty minutes. Or text me instead." Anito saka siya hinalikan sa nuo at kinuha ang dalawang maletang dala niya at pumasok sa kabubukas lang na elevator.

"So, let's go?." Anito na tinanguan naman niya.

"SO, YOU'RE a Herrera?." Hindi makapaniwalang tanong ni Drake sa kanya. Tinanong kasi nito kung bakit niya kasama ang isang Eros Herrera na kilala ng lahat bilang cold blooded person. Sinabi niya rito na isa siyang Herrera at hindi parin makapaniwala ang binata. Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak nito ang mga sinabi niya. "Woah!."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now