CHAPTER TWENTY-FIVE

40.5K 1.1K 32
                                    

Chapter 25

"PAANO MO NALAMAN na dito nila dinala si Saiden?." Tanong niya kay Eros nang makarating sila sa lumang gusali. Hindi niya akalaing malalaman ni Eros kung saan ng mga ito dinala ang dalaga. Nagtataka man ay nagpapasalamat parin siya kay Eros. And he is praying that, Saiden is safe inside that old abandoned house.

Pinukol siya nito ng masamang tingin. "Really, Klaus?. Do you have to asked me that, in here?."

He tsked. "Masama ba ang magtanong?. Is that even possible?. Na alam mo kung saan nila dinala si Saiden gayong hindi naman natin sila naabutan."

Eros sighed in irritation. "Just shut up. Tinawagan mo na ba ang mga pulis at sinabi ang lokasiyon?."

"Kanina pa."

"Good, cause I don't know if we can get out in this place still breathing."

Namilog ang mga mata niya sa sinabi nito."Why not?."

Eros pointed the inside of the building and he saw a bunch of men holding a gun.

"What the fuck?."

"Marunong kaba gumamit ng baril?." Tanong nito na tinanguan naman niya. "How about in combat?."

He chuckled. "Wala kabang tiwala sa akin?."

"Wala." Tipid nitong sambit saka nagpaunang pumasok sa gate ng gusali. Sinundan niya ito at pareho silang maingat na pumasok. Halos padapa ang ginawa nila. Sinigurado nilang walang makakakita sa kanila.

Nang makapwesto sila sa pinakamalapit na daan patungo sa pinakamalapit na pinto. At akmang tatayo na sila nang may malamig na bagay na nakatutok sa likod ng ulo niya dahilan para matigilan siya.

"Huwag kayong kikilos ng masama." Anang boses lalaki. "Kung hindi papasabugin ko utak mo. Itaas ang niyo ang mga kamay."

Sinunod nilang pareho ang utos nito saka sila tinulak papasok sa gusali. Nakataas ang kamay nila habang unti-unting natatanaw ang loob ng lumang gusali. Una niyang nakita ang pamilyar na lalaki, hindi niya maalala kung saan niya ito nakita at sumunod naman ang kaibigan ni Saiden na si Dona.

At halos takasan siya ng lakas nang makita ang isang malaking fish tank at sa loob noon ay ang dalaga na nakaupo sa isang silya at nakagapos.

May host na na nakakonekta sa tangke na siyang naghahatid ng tubig doon at kaunti nalang ay malalampasan na nito ang dalaga.. Natakot siya hindi para sa buhay niya, kundi para sa buhay ng dalaga nasa loob.

She is helpless. Ang mapungay nitong mga mata ay humihingi ng tulong sa kanila.

PILIT NA KUMAKAWALA si Saiden sa pagkakagapos dahil kung hindi siya makakawala ay tiyak na malulunod siya. Nasa bewang na niya ang tubig at nakaupo pa siya.

"Saiden!." Sigaw ng kaibigang si Alice na nasa ikalawang palapag. Nakatunghay ang mga ito at pilit na kumakawala sa mga tauhan nila Drake. "Maawa kayo sa kaibigan ko!. Please, huwag. Dona!. We were your friend!. Don't do this to Saiden!."
She laughed. Ang galit ay nasa mga mata nito. "I was never a friend to her!. Kahit kailan ay hindi ko itinuring na kaibigan ang pamilya ng taong naging dahilan ng kalungkutan ko!."

"Bakit sa kanya ka galit?. Hindi naman siya ang may kasalanan?!. Wala siyang alam!."

Ngumisi ito. "It doesn't matter weather she knew it or not. The fact that she is Herrera, kasama na siya sa mga taong paghihigantihan ko." Saka ito nagtiim bagang. "Buhay ang kinuha nila kaya buhay rin ang sisingilin ko sa kanila."

"Spare Saiden!. Please, maawa ka sa kanya." Pagmamakaawa naman ni Melissa.

"Ganyan din ako noon. I was begging for them to save my son. Kahit sana anak ko nalang," bumadha ang luha nito sa mga mata. "Kasi patay na ang asawa ko. Kasama sa cruise na lumubog. Anak ko lang ang nailigtas ko. Pero ano?!, inuna pa nila ang buhay ng matandang iyon na hindi nga nahawakan ng tubig kaysa sa mga taong halos mamuti na sa paghihintay maisalba lang!.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now