CHAPTER NINE

42.7K 1.2K 9
                                    

Chapter Nine

PINIPILIT NI Saiden pakalmahan ang sarili habang kasama ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang pinakaiingatan niya. Kanina pa niya gustong kalbuhin ang babae pero nagpipigil siya dahil ayaw niyang gumawa ng eskandalo.

Nag-back out na siya sa pagiging wedding planner. Hinayaan niyang si Alice at Dona nalang ang maging wedding planner nito para sa nalalapit nitong kasal dahil hindi na niya masikmurang kasama ang babae.

Pero dahil may iba ding trabaho ang dalawa ay siya muna ang sumama dito sa pwesto ng kaibigan niyang si Mye na isang fashion designer.

Kasama nito ang kapatid sa labas na nagngangalang Merry na kakilala pala ng kaibigang si Mye. Hindi niya ito nakita nang isang linggo at kahit paano, sa loob ng isang linggo ay nakalimot siya.

Naiinis siya at naiirita tuwing magsasalita ito nang walang kabuluhang bagay. Tulad nalang ng kung paano nagkasya ang heels niya sa paa niya ng hindi pinipilit at mga brand ng perfume at makeup niya. Magalaw din ito kaya naman halatang nahihirapan si Mye sa pagsusukat.

"Bakit hindi ka nagmi-makeup, Saiden?." Biglang tanong nito sa kanya.

Peke siyang ngumiti. "May problema ba sa mukha ko?. Kung wala naman ay hindi ko na kailangan niyan. Hindi kasi ako mahilig."

"Kailangan mong maging mahilig. You know, to seduce man."

'Seduced my butt!. Wala pa nga akong make up may na-seduce na ako. Ano pa kaya kapag naka-make up na?.' Bulong niya sa sarili.

Ngiti lang ang itinugon niya rito.

"Dapat ako ang pinaka-sexy at pinakamaganda sa kasal ko, Mye a. Kapag may nakita akong mas maganda pa sa akin, hindi kita babayaran." Pananakot nito na ikinakunot ng nuo niya.

Mye chuckled. "Naku, ok lang. Alam ko naman kasi na hindi ko masisiguradong ikaw ang pinakamagandang retukada."

Saiden laughed at Mye responsed.

"What's funny?." Inis na tanong nito na may masamang tingin sa kanya.

Marahas siyang umiling. "May nagtext lang nang nakakatawa." Pagsisinungaling niya.

Pagkatapos nitong sukatan ang bruha ay isinunod nito ang kapatid nitong mukhang nagpa-implant rin sa dibdib.

"Gusto kong gown iyong may hati sa gitna, tapos backless at tube na medyo, you know, kita ang cleavage." Naeexcite na sabi nito.

Napatanga nalang siya rito, ganun din si Mye. Talagang magkapatid ang dalawa, base narin sa ugali ng mga ito. They're both bitch.

"Ok, I'll try my best na hindi pumutok ang boobs mo. Hehehe." Pabiro pero seryosong tugon nito sa babae.

"Ano, ate Mye?."

"Oh, nevermind what I've said. Let's measure your fake boobs--este body." Mukhang pinatatamaan talaga nito ang dalawa. Wala siyang nagawa kundi ang lihim na matawa.

Pinapanood niya ang mga ito na magsukatan. Paalis na sana sila nang may matipuhan ang kapatid nitong isang gown.
It's one of Mye's favorite design. Balak niyang i-donate iyon sa darating na auction na gagawin sa france pero mukhang nagustuhan ng kapatid ng bruha.

"I hope na hindi magkasya." Bulong ni Mye na ikinatawa niya. "Hindi ko pinangarap na ipagbili ang isang ito sa mga taong plastic ang hinaharap. Nakakahiya."  Dagdag nito saka umirap.

She laughed again. "Don't worry. Hindi iyan magkakasya. Sa dibdib palang masikip na." Paniniguro niya rito. "Rest assured that your gown is safe at mai-auction mo parin."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now