CHAPTER 26

40.6K 1.2K 38
                                    

Chapter 26

"EXCUSED ME, SIR?." Pukaw ng isang nurse sa kanya habang naghihintay sila sa tapat ng E.R.

Tinitigan lang niya ang babaeng nurse.

"Pinapasabi po ni doktora Herrera na gamutin daw po namin ang mga sugat niyo."

Binalingan niya ang dalawa niyang kasama na sina Alice at Melissa.

"Sige na." Tipid na ngiting sambit ni Alice."Gamutin mo muna iyan. Balik ka nalang pagkatapos."

Tinanguan niya si Alice saka tumayo at sumunod sa nurse. Hinabad niya ang dapat niya upang malapatan ng cold compress ang pasa niya sa katawan dahil sa pagkakahampas sa kanya ng malaking tubo.

Habang nilalapatan gasa ng babaeng nurse ang kanyang mga sugat sa mukha ay hindi niya maiwasang mag-alala sa kalagayan naman ni Eros. Isang oras na ang nakalipas pero hindi pa ito bumabalik at nag-aalala siya.

"Klaus!."

Mariin siyang napapikit kasabay ng malakas na buntong-hininga nang marinig ang matinis na boses ni Wendy.

'What the hell is she doing here?.'

"Klaus!." Narinig din niya ang sabay-sabay na pagtawag ng mga kaibigan niya dahilan para lingunin niya ang mga ito. At kasunod ng mga ito ay ang mga magulang niya na bakas ang pag-aalala sa mukha, lalo na ang kanyang ina.

Ang ina nito ang yumakap sa kanya "Klaus, my dear son." Humagulhol ang ina habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

Nakangiwi niyang tinugon ang yakap ng ina. "I'm fine, mom."

"Anong fine?!." Sikmat ng ina nang humiwalay ito sa pagkakahakap saka tinuro ang mga sugat at pasa niya sa mukha at katawan. "Look at you!." Iminuwestra nito ang kanyang katawan. "Anong nangyari?. Paano--"

"Are you alright?." Nilingon nilang lahat ang nagsalita at halos mapatanga sila nang makita si Eros na may sugat at pasa rin sa mukha.

"Eros." Nilapitan niya ang doktor. "Nahuli mo ba siya?."

Marahas na umiling si Eros. "No, I haven't."

"E si Dona?."

"She's nowhere to be found too. But don't worry. Pinaghahanap na sila ng mga pulis." Akmang tatalikuran na siya nito nang bigla ulit itong humarap sa kanya. "My family wants to talk to you."

"H-Ha?." Nauutal niyang sambit. Bigla ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba. "N-Now?."

Tumango ito. "I'll come with you. They're in my office anyway." Anito saka nagpaunang maglakad.

Nilingon naman niya ang mga kasama na may nagtatanong na hitsura. "I'll be back." Aniya saka sinundan si Eros.

Sinabayan niya ng lakad si Eros at napansin niyang tinapunan siya nito ng tingin ngunit ibinalik din sa daan.

"Hindi mo ba gagamutin ang mga sugat mo?." Tanong niya rito habang pinakatitigan ang mga sugat at pasa sa mukha.

"Malayo 'to sa bituka." Kalmadong sagot nito. "Kaya kong indahin ito, pero hindi ang sermong aabutin ko sa lolo ko." Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito dahil seryoso naman ang mukha nito. "I will clean up later. Mahirap paghintayin ang chairman."

Chairman. That's what they call to there grandfather when it's means business.

"How's Saiden?." Kapagkuwa'y tanong niya rito. "Is she ok?. Gising na ba siya?." Sunod-sunod niyang tanong.

"Hindi ko pa nakita dahil kararating ko palang, hindi mo ba nakikita?. Pero nakalipat na siya sa ICU means that Sera did a great job."

Kumunot ang nuo niya. "Iyon lang?. Bakit sa ICU?."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherМесто, где живут истории. Откройте их для себя