CHAPTER TWENTY TWO

40.9K 1.1K 5
                                    

Chapter 22

"ARE YOU GUYS READY?." Tanong ng kaibigan ni Klaus na si Joshua sa kanila habang nasa tapat sila ng napakalaking mansyon. Nalaman kasi niya na imbitado ang kaibigang si Joshua sa ika isandaang taong anibersaryo ng Herrera's Empire at pinilit niya ito na isama siya. "Ipapaalala ko lang sainyo. Don't approach any of the Herrera's. Specially the elders and--"

"Ano iyon, matatanda?." Biglang singit naman ng kaibigang si Mago. Gusto niya tuloy tanungin ang sarili niya kung bakit pa siya pumayag na sumama ang kaibigan na kasing kulit ni Mago.

"Elders nga diba?." Aniya.

"Wear this." May inabot na maskara si Joshua sa kanila. "You need that."

Kumunot ang nuo niya habang kinukuha ang itim na maskara. "Kailangan pa ito?."

Nagkibit-balikat si Joshua. "Well, Celeste suggested that young fellas has to wear masked."

"Close kayo ng mga apo ni don Serio?." Tanong naman ng kaibigang si Valerie.

"Not really." Sagot nito. "I haven't tried talking to each of them. Well, I tried though."

Isinuot nalang niya ang maskara at inayos ang suot na tuxedo saka tumingin sa mala-palasyong mansyon ng mga Herrera. The has is greek style. There's four corinthian column infront of big door. Kulay puti ang pintura nito.

Tinapik siya ng kaibigan. "Let's go. Stay with me. Saka na kayo humiwalay kapag nasa loob na tayo o nakita mo na ang hinahanap mo." Sabi nito habang matiim na nakatingin sa kanya. "Are you sure about this?. Klaus, papasukin mo ang bahay ng mga Herrera ng walang pahintulot. At kapag nahuli ka nila, madadamay ako. It's not that I don't want to, pero madadamay ang business ng pamilya ko."

"Huwag kang mag-alala. Kapag nahuli ako,si Mago ang idadamay ko." Biro niya.

"Hey!." Angil naman nito. "Don't you dare, Klaus!."

Tinawanan lang niya ito.

Sa entrance palang ng gate ay may tatlong bantay na. Isang titingin ng imbitasyon, isang kakapkap at isang mag-a asist sa bisita.

Kinakabahan man ay naglakad parin sila palapit sa mga ito. Gusto niyang makita ang dalaga. May apat na araw pa siya para makasama ang dalaga. Susulitin niya ang apat na araw at sisimulan niya iyon ngayong gabi. Hindi niya inisip na mahuhuli sila, ang mahalaga ay makasama niya ang dalaga.

"Hello, goodevening. I'm Joshua Dela Rosa, son of Dela Rosa Interprises." Anito saka inabot ang invitation.

Kinuha nito ang invitation saka tiningnan at nang makompirma nito ay muling ibinigay sa kanila. Saka ito bumaling sa kanila. "May I see your invitation, please?."

Napalunok siya at naramdaman niya ang mahigpit na kapit sa kanya ni Valerie mula sa likuran.

"Sir, ma'am. Can I have your invitation--"

"Joven." Natigil ito sa pagsasalita nang may nagtawag dito.

It was Dona. Mabuti nalang at nakamaskara sila kaya hindi sila nito makikilala.

"Pretty." Bulong ni Mago at batid niyang nakangisi ito. "I like her."

"Yes ma'am?."

"Patulong daw si Alice doon sa backyard. May hindi kasi siya maabot, since matangkad ka naman, pwede bang ikaw nalang?." Utos nito sa lalaki. "Ako nalang muna rito, balikan mo ako pagkatapos."

"Yes ma'am." Sambit nito saka nagmadaling nagtungo sa backyard.

Tumikhim ang kaibigang si Joshua para kunin ang atensiyon ni Dona.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now