CHAPTER ELEVEN

45.9K 1.3K 12
                                    

Chapter 11

NASA TAPAT na sila ng building kung saan naroon ang condo niya at nag-aalangan si Saiden na patuluyin ang binata. Baka kasi makita ito ng mga kaibigan niya at kung ano pa ang isipin ng mga ito.

Kanina kasi ay siya ang pinag-drive nito dahil bakit daw ito. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag. Sa bahay sana nito niya ito dadalhin pero ayaw daw nito doon dahil sesermunan na naman daw ito ng mga magulang niya.

Sinabi niya na dalhin nalang niya ito sa clinic pero tumanggi ito dahil allergic daw ang binata sa amoy ng mga gamot.

Napailing nalang siya. 'What a nice excuses he have.' Ang ending tuloy ay sa condo niya ito gagamutin. Hindi naman ganoon kalala ang kalmot pero dahil dumudugo ito kanina ay kailangan niya itong linisin baka kasi ma-infection ang binata.

Nilingon niya ang binata na mahimbing na natutulog sa passengerseat. Nag-aalangan tuloy siyang gisingin ito dahil nasa kasarapan ito ng tulog at mukhang pagod na pagod. Saan naman kaya ito napagod?. Pero hindi naman pwedeng manatili sila sa kotse at hintaying magising ito.

"Klaus." Tawag niya sa binata habang niyuyugyog ang balikat nito. "Klaus, andito na tayo. Gising na." Mahina lang ang pagkakasambit niya pero nagising na ang binata.

Dahan-dahang nitong ibinuka ang mga mata saka lumingon sa labas ng gusali. "Nasaan tayo?." Tanong nito.

Bumuntong-hininga muna siya. "Sa condo ko."

Kakaibang kislap ang nakita niya sa mga mata nito nang humarap ito sa kanya. "At your condo?." Tanong nito saka ngumisi. "Perfect place for round two."

Nanlaki ang mga mata niya saka pinalo ang balikat nito saka pinandilatan. "Manyak!."

Tumawa lang ang loko.

"Halika na, baka magbago pa ang isip ko at mas lalo kitang kalmutin!."

Matiim itong nakatingin sakanya habang nakangisi parin."Ok lang, basta ba dahil iyon sa nasarapan ka."

"Klaus!."

He chuckled. "Ok, ok. Geez, woman. I'm just joking." Anito saka nagpaunang bumaba sa sasakyan.

She sighed. Saka sumunod na bumaba ng kotse. Nilapitan niya ang binata na matamang nakatingin sa malaking gusali ng condo niya.

"This is an exclusive condo. Mapera ang nakatira rito." Saad nito saka bumaling sa kanya. "Are you rich?."

"Bakit, mayayaman lang ba ang pwedeng magkaroon ng ganyang klase ng condo?." Inis na tanong niya sa binata. "Na porket mahirap ay hindi na makakayang magpundar ng sariling condo?." Aniya saka inirapan ang binata at nagpaunang pumasok sa pinto ng gusali.

Oo at mayaman siya, pero hindi kailanman niya hiningi ang bawat piso na ibinili niya sa condo niya. Lahat ng iyon ay dahil sa dugo at pawis niya sa loob ng limang taon. And ofcourse, with the help of her friend Melissa. Sa kanilang dalawa ang condo na iyon.

Alam niyang nakasuot ang binata hanggang sa elevator at pagpasok ng elevator. Hindi niya ito pinansin hanggang sa makarating sila sa seventh floor at sa tapat ng pinto nang condo unit niya. Naiinis siya sa binata.

Agad niyang kinuha ang susi ng unit ang ipinasok sa doorknob upang buksan. Nang makapasok ay hindi parin niya tinapunan ng tingin ang binata.

"Talk to me, Saiden." Pasusumamo ng binata sa kanya pero hindi niya ito pinansin. "Please."

Hindi parin niya pinansin ang binata.

"Saiden, look. I'm sorry. Hindi ko sinasadyang insultuhin ka o kung anuman. Please, huwag ka namang ganito sa akin." Pagmamakaawa nito at napaigtad siya nang yakapin siya nito mula sa likuran at halikan ang batok niya. Ang mainit na hininga nito ang nagpatayo ng mga balahibo niya sa katawan.

Herrera Series 1: She Is a Wedding Crasherजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें