CHAPTER SIXTEEN

39.9K 1.2K 13
                                    

Chapter 16

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Saiden para lang mahabol niya si Klaus na tinalikuran siya kanina sa pag-aakalang sila nang pinsang si Eros. Hindi manlang nito pinakinggan ang paliwanag niya.

Wala siyang pakialam kung makabunggo niya ang mga taong nakakasalubong niya o nakasuot niya ng heels, ang mahalaga ay makausap niya ang binata.

Nakahinga siya ng maluwag nang huminto ang binata sa isang lamesa pero natulos siya sa kinatatayuan nang makita niya kung paano nito halikan si Wendy. Maging si Wendy ay hindi iyon inasahan pero agad din nitong tinugon ang halik ng binata.

Parang may sumakal sa kanya dahilan para manikip ang dibdib niya. Hindi narin niya napigilan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata. Masakit palang makita ang binata na may kahalikang iba. Parang dinudurog ang puso niya ng pinong-pino.

Gusto niyang sampalin at sabunutan si Wendy, pero sino nga ba siya sa buhay ni Klaus?. Hindi siya ang may karapatan sa binata dahil hindi naman sila. Si Wendy ang mas may karapatan sa binata. They just had sex, nothing more than that.

Tinuyo niya ang mga luha niya saka naglakad palayo sa mga ito. Hindi niya kayang makita ang binata sa ganoong sitwasyon, nasasaktan siya.

Hinanap niya si Eros na agad din naman niyang nakita dahil dinumog ng maraming tao. Nakita niya na naroon rin ang lolo at mga magulang ni Klaus na pilit na kinakausap ang pinsan.

"Eros." Tawag niya sa pinsan. Gusto na niyang magpaalam sa pinsan na umuwi.

"Excused me, ladies and gentlemen, my date is here." Paalam nito sa mga kausap saka siya hinawakan sa braso. "Thank god you save me from them." Halata ang inis sa mukha nito.

"Bakit?."

Eros sighed in irritation. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nagpunta pa rito. That Romualdez family is annoying as ever!."

"What happen?."

Umiling ito. "You know what, let's just go. I'm bored." Ngumisi ang pinsan niya at pilyong tumingin sa kanya.

She chuckled. Eros being Eros. Paniguradong kakain na naman ito sa restaurant ng kaibigan niyang si Cris. "Hindi mo ba gusto ang pagkain dito?."

Umiling ito. "They don't served the food here with love. Sa resto ni Cris, love, passion and dedication. She cooks her dish wih feelings. That's why I love eating there kahit na tinataboy ako minsan ni Cris."

She laughed, kahit paano ay gumaan ng kaunti ang dibdib niya. Pero naroon parin ang sakit.

"So, tara?."

Tumango siya. "That's actually a good idea, Eros."

At sabay silang naglakad palabas ng hotel. Tahimik lang siya at nakatingin sa daan, habang ang pinsan ay hawak ang manibela at nagmamaneho. Hindi niya maalis sa isip ang nakitang paghalik ni Klaus kay Wendy.

"Are you ok?." Basag ng pinsan sa katahimikang namuo. 

Nilingon niya si Eros. "H-Ha?."

"Tinatanong kita kung maayos kalang?. You seemed off ever since we left the hotel. What's wrong?."

Marahas siyang umiling. "Nothing. Iniisip ko lang kung ano ang magiging reaksiyon ni mommy at daddy kapag nakita na nila ako." She lied. Pero agad din naman iyong pumasok sa isip niya. Ano nga ba ang magiging reaksyon nila?. After five years, ngayon lang siya magpapakita.

"Magagalit syempre." Sagot ni Eros. "Pero lamang parin naman iyong pagka-miss namin sayo."

Nginitian niya ang pinsan. "I'm glad I bumped into you."

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherWhere stories live. Discover now