CHAPTER FOUR

45.1K 1.2K 8
                                    


Chapter Four

KANINA PA naiirita si Klaus kay Wendy na panay ang pulupot sa bisig niya. Naiinis narin siya dahil kanina pa nila hinihintay ang wedding coordinator na kinuha ng lolo nila para sa kasal nila. Gusto niyang matapos kaagad ang meeting para makawala na siya sa babaeng katabi at para narin masimulan na niya ang pagpursigi sa mga Herrera.

Iyon nalang kasi ang natitira niyang pag-asa. Wala ng iba.

"Gosh!, what took them so long?!." Inis na tanong ng babaeng kasama niya. "May appointment pa ako sa doctor ko. Ipapabanat ko pa ang mukha ko." Anito habang nakaharap sa salamin.

'Doctor?.'

Sa pagkakaalam niya ay dalawa sa mga Herrera ang doctor. Hindi niya lang alam kung ang mga ito ay plastic surgeon.

Humarap siya rito at matamis na ngumiti. "Do you know, Eros Herrera?. What kind of doctor is he?." Tanong niya rito.

Kumunot ang nuo niya na animo'y nag-iisip. "I don't exactly know. But a friend of mine, Ondria Ferrer, crush niya si Eros Herrera. I've heard, he is a surgeon, same with his twins. Why do you asked?."

Umiling siya. "Saang hospital sila nagtatrabaho?."

Nag-isang linya ang kilay nito. "Hindi mo alam?. May sariling ospital ang mga Herrera. Na-feature na sa isang magazine ang ospital na iyon dati. Hindi kaba nagbabasa ng magazine?."

"Nagbabasa naman." Sagot niya.
"Ah ok." Sambit nalang nito saka bumalik sa pagtingin sa salamin.

He sighed. Bakit nga ba ang dalawang iyon ang kailangan niyang suyuin kung pwede naman na ang mismong CEO ng Herrera's Empire.

"Sir, narito na po ang wedding planner." Imporma ng katulong nila.

Nilingon niya ito. "Sige manang. Pakihatid nalang sila sa lanai."

"Opo, sir."

Binalingan niya ang babaeng katabi at kunot-noong tinitigan. Abala ito sa pag-aayos ng mukha. Mapaghahalataang napa-plastic surgery ito. She has a nose job, he'll sure of that. Nag-iba narin ang jawline nito kumpara dati. The lips is more plum than before.

Dumako ang mga mata niya sa dibdib nito and he is right again, one hundred percent sure na nagpa-implant ito.

He heaved a sigh. Kailangan na talaga niyang makausap ang mga Herrera, pronto!. Ayaw niyang matali sa babaeng nagpa-plastic surgery.

"Let's go lanai." Yaya niya sa babae. He doesn't want to be rude but, he don't feel like holding her hand or walk with her side by side, kaya nauna na siyang maglakad patungong lanai.

Natanaw niya sa di kalayuan ang tatlong babae. Dalawa sa kanila ay abala sa paglalapag nang kung anu-ano sa table, habang iyong isa naman ay nakatalikod at hindi niya alam kung ano ang ginagawa.

Nang makarating siya sa lanai ay tumikhim siya upang makuha ang atensyon nila. Hindi naman siya nabigo dahil nagsilingunan ang tatlo.

Pero mukhang pinaglalaruan na naman ng tadhana ng kapalaran nila. Hindi niya inaasahang makikilala niya ang isa sa kanila. Ito kasi ang kahuli-hulihang tao na gusto niyang makita at mukhang araw araw na niya itong makikita dahil ito ang mag-aayos ng kasal niya.

That woman!. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan silang makakuha ng investment mula sa mga Herrera. Ito ang dahilan kung bakit nagalit at nawalan ng tiwala sa kanya ang lolo niya sa loob ng dalawang taon.

Hindi manlang niya nakita ang pagkabigla sa magandang mukha nito. Bagkus ay nababasa niya sa mga nito ang takot at pag-aalangan. Palipat-lipat ang tingin nito na animo'y may inaasahan ito sa kanila.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherМесто, где живут истории. Откройте их для себя