CHAPTER 28

42.3K 1.1K 29
                                    

Chapter 28

UMUWI MUNA si Klaus sa bahay para makapag-pahinga saglit. Tatanggi sana siya na sa ina ni Saiden pero tama naman ito, masyado pa kasing bugbog ang katawan niya sa nangyari. Gabi narin kaya kasi kaya nakakaramdam na siya ng antok. Bukas nalang uli niya bibisitahin ang dalaga.

"Anak." Salubong sa kanya ng nag-aalalang ina. Hinaplos nito ang mukha niya at kaunti nalang ay maiiyak na. "I thought we lost you." Anito saka siya niyakap na tinugunan naman niya. "Sobrang nag-alala kami ng daddy mo sa'yo." Anito na humihikbi na.

Mahigpit niyang niyakap ang ina. "I'm fine, mom."

Mahina nitong tinampal ang braso niya dahilan para mapangiwi siya. "Still, don't do it again. Hindi mo alam kung ano ang nangyari sa lolo mo matapos namin mabalitaan na nasa ospital ka."

Kumunot ang nuo niya sa narinig. "What happen ma?."nag-aalalang tanong niya saka nagmadaling pumanhik pataas, patungong silid ng lolo.

Kaagad niyang binuksan ang pinto at naabutan niya ang lolo na nakaupo sa kama at nagbabasa ng magazine. It was a magazine from two years ago, where their company are supposed to be in it. Kaunti nalang ay maabot na nila iyon. One of his grandfather's dream.

Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

"Lolo." Pukaw niya sa lolo.

Tiningnan siya ng kanyang lolo at hindi niya inasahang makikita niya sa mga mata nito ang tuwa na makita siya.

His grandfather had been strict to him. Kahit minsan ay hindi siya nito nginitian. Ni hindi rin siya nakatanggap ng papuri mula rito. Akala niya ay hindi siya nito mahal. Ngunit kahit ganoon ang naging trato sa kanya ng lolo niya ay mahal parin niya ito.

At ang mga ngiti nito ngayon ang nagpapatunay ng pagmamahal para sa kanya.

Inilapag nito sa kama ang hawak na magazine at "Halika dito, apo ko." Nakangiting utos nito.

He obliged. Naglakad siya patungo sa tabi nito. "Kamusta ka, lolo?. Anong nangyari sa'yo, ayos ka lang ba?." Sunod sunod niyang tanong rito.

"I'm fine. Tumaas lang ang presyon ko dahil nag-alala ako sa'yo." May luhang kumawala sa mga mata nito. "I thought I'd lost you.." Anito saka mahigpit na humawak sa kanyang mga kamay. "I was so scared. Akala ko..mawawala--"

"Lolo," pigil niya sa kanyang lolo. "Hindi ako mawawala. I'm always be here, for you, for our family and for our company."

Umiling ito. "Company is not important to me. Kaya lang naman ako naghihigpit sayo at tinutulak kita sa limitasyon mo, kasi alam kong kaya mong lampasan ang mga nagawa ko. I did it for your own good, for your future. Pero mukhang nasakal yata kita."

Marahas siyang umiling saka matiim na tinitigan ang lolo. "Hindi, lolo. Alam ko po lahat ng mga nagawa niyo ay para sa kapakanan ko at hindi po ako nagsisisi na sinunod ko kayo. I don't regret following your order--"

"In exchange of your own happiness?. Are you happy that I'm being too strict and I always asked you for something. Pero alam kong hindi mo naman iyon gusto. I know you've been good to me, that is why I feel guilty."

"Lolo.."

"I love you, apo. At hindi ko na ipipilit sa'yo ang magpakasal sa anak ng Salcedo. I don't like her anyway."

He chuckled. "Thank you lolo. But how about our company?."

"I am going to--" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng may kumatok sa labas ng pinto. "Come in."

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang katiwala nila. "Don Freddo, may bisita ho kayo."

Parehong nagsalubong ang kilay ni Klaus at ng lolo.

Herrera Series 1: She Is a Wedding CrasherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon