Chapter 5

2.2K 50 0
                                    

At the other scene

====Deinielle===
Bwiset na kalbong reynard na yan! nagpunta pala ng manila para makatakas samin.

Traydor yang hayop! na yan eh mag dadalawang linggo palang syang nakakasali sa DFG lumitaw na agad ang baho ng hayop na yan! anong akala nya sa DFG basta basta lang, wag nyang kalimutan na no. 1 gang dito sa pinas ang DFG at pang 3rd sa Whole World.

Pano ba naman kase isa pala sya sa Alien Forsaken Gang which is the greatest enemy of our gang. Then sumali sya samin nakapasa naman sya kaya ayun pasok sya sa DFG then nung kakain kami ng sama sama, buti na lang sinuri mabuti ni angelo ang handang pagkain samin ni reynard then may natuklasan sya na polonium isa syang radiactive poison, mabagal lang ang poison nito pero ang malala walang cure.

Diba balak kaming patayin ng hinayupak na reynard na yan, nung nalaman nyang alam namin nagtago ang loko at dito sa manila kaya andito kami ngayon, kasalukuyang kakapasok ko palang sa race car ni chase.

"Oh asan na?", Bossy na tanong ni chase, tiningnan ko sya ng masama napangiti naman ito.

"Bakit kase hindi ikaw ang lumabas", inis na sabi ko sa kanya..

"Chillax, high blood ang reyna namin", sabi nya.

"Pinapatay ko na kanila angelo", sagot ko sa tanong nya kanina. Nung mahuli kase namin sya pinakuha ko kaagad.

"Tsk", iling na sabi ni chase then nag smirk.

Pinaandar na nya yung sasakyan papunta sa hide out namin dito sa manila... Ilang minuto lang ang inabot namin bago kami nakarating dun.

Isa syang malaking mansion, pinark na ni chase yung sasakyan sa garage ng mansion na to.

"Una na ko chase", cold na sabi ko nung makababa ako, maninigarilyo pa kase yan eh.

"Sige lang", sabi nya.

Naglakad na ko papunta sa loob nung nasa harap ako ng pinto may dalawang guard ang nagbukas ng pinto sakin pagpasok ko nakita ko kaagad kung gaano kalaki ang bahay na to, kung titingnan mo dito sa loob kala mo napaka tahimik, normal na mansion pero sa underground nito isa palang hideout ng isa sa pinaka delikado sa bansang ito.

Pumunta ako sa pinakang dulo ng kusina then may kinapa ako sa pader nung makapa ko na ang hinahanap ko priness ko na ito. Then biglang bumukas yung pader na kasing laki lang ng pinto at may hagdan na nagsilitawan.

Bumaba na ko ng hagdan, nung makarating ako sa pinakang baba nakita ko agad ang mga ka gangmates ko.

"Good day Queen", bati nilang lahat sakin nang nakatayo nung makita ako, tinanguhan ko lang sila at umupo na sa pwesto ko sa pinakang head na upuan, nung makaupo ako nagsikanya kanya na sila ng mundo.

"Fourth wala pa ba sila first?", Tanong ko kay calix na tutok na tutok ang muka sa laptop nya, busy kase sya sa paghahack ng mga cctvs dito sa manila.

"Papunta na daw po sila dito at nalinis na din nila ang kalat", sagot ni calix ng hindi ako nililingon.

"Good", sabi ko lang.

Calix is our hacker his good when it comes on that, pinapa hack ko sa kanya yung mga CCTVs na kailangan ko para ma trace at makita kung may ibang gangs ba ang kumikilos na para sa Greatest Gangs Fight.

Greatest Gangs Fight is the battle between gangs, but this fight is not ordinary, why? Because this is silent battle. Silent kase hindi mo na alam may namamatay na pala sa mga member mo, hindi pa sya dine-declaire ng Gang Association pero soon mag i-start na to, kaya kailangan naming mag ready, pina hacked ko na din ang mga cctvs sa Cereno City my hometown, malayo yun dito sa manila.

Maya maya lang nagsitayuan ulit ang mga ka gangmates ko at binati si chase well except me. King of Fearless sya kung tawagin.

Naglakad na si chase papunta sa upuan nya sa tabi ko lang then umupo na.

"Your mom called me", sabi nya sakin agad, bigla naman akong napalingon sa kanya. Ano na namang problema nung mommy kong yun?.

"Why?", Tanong ko.

"You need to marry me daw", seryosong sabi ni chase. Nagulat ako sa sinabi nya, Gago pala to eh. Sinapak ko bigla si chase sa inis, tumawa naman bigla ang loko.

"Tigilan mo ko chase", inis na sabi ko, tumawa lang sya ng tumawa kaya tiningnan ko sya ng masaya. Nakaka bwiset i know chase.

"Hahahaha! Joke lang queen eto naman, pero tumawag sakin mommy mo sabi nya pumunta ka daw ng cagayan dahil debut daw ng pinsan mo", sabi ni chase.

"Aish!", Nasabi ko na lang.

"Wala ka na namang balak pumunta no?", Sabi ni chase. As if naman na pupunta ako.

"Yeah", tipid na sabi ko.

"Napaka walang gana ka talagang kausap, napaka tipid mong magsalita", sabi ni chase na ikinasama na naman ng tingin ko sa kanya.

"Sinasabi ko sayo chase tigilan mo ko", galit na sabi ko.

"Sorry na queen", sabi nya ng nakangisi. Lagi nya kong pinagtitripan ang sarap ko daw asarin, si chase lang nakakagawa sakin ng ganyan. Ang lakas ng loob eh tsaka pasalamat sya bestfriend ko sya.

Nung dumating na sila amada (first), brian (third) at angelo (second) dumiretso sila sakin para mag report.

"Queen succes po ang mission", seryosong sabi ni amada, tumango lang ako bilang sagot, nakita ko ang white na damit ni amada na may dugo halatang sumirit ang dugo ng reynard na yun. Napangisi na lang ako nung maisip ko kung pano nila pinatay si reynard.

After a minute, Sumakit bigla yung ulo ko, gusto ko nang magpahinga.

"Chase let's go", sabi ko kay chase ng mahina. Alam na nya ibig kong sabihin kaya inalalayan nya ko palabas.

Nung makarating kami sa kotse nya pinagbuksan nya ko ng pinto after nun samakay na din sya sa loob.

"Migraine again", sabi nya tapos pinaandar na ang saksakyan.

Aggh! Ang sakit talaga ng ulo ko parang gusto ko nang tanggalin, sumandal ako sa upuan ko at pumikit para di ko masyadong maramdaman ang sakit ng ulo ko. Sa totoo lang mahina ang resistensya ng katawan ko madalas talaga akong magkasakit pero nilalabanan ko lang, mas malala yung mga naging sakit ko nung bata pa ko pero ngayong malaki na ko kaya ko nang labanan ito.

Tumigil na yung sasakyan ni chase kaya napamulat ako tiningnan ko kung nasan kami, nasa tapat kami ng isang napakagandang restaurant na pagmamay ari nila chase ano ngang name ulit ng restaurant na to? ahhh, Zeiriya's?... yah its zeirya pinangalan sa kaisa isang babaeng kapatid ni chase but sad to say she's already dead. Mahirap talagang matunton at makita ang restaurant na to pero dahil nandito kami madalas ni chase may short cut kaming nalaman... kami lang.

"Kakain muna tayo bago ka uminom ng gamot", sabi nya sakin, tumango lang ako bilang sagot, binuksan ko na yung kotse ni chase then bumaba nako. Feeling ko namumutla na ko.

Inalalayan ulit ako ni chase hanggang sa loob then pumunta kami sa may special room nung makarating kami dun pinaupo na nya ko, sya naman lumabas para mag utos.

Pagbalik ni chase umupo na sya sa harapan ko.

"Wait lang ha", sabi nya, di naman ako sumagot.

"Bakit lagi ka na lang may sakit? Bakit ang hina ng resistensya mo? Bakit pag meron ka ang bilis mong magkapasa? Queen ka na ng mga gangster Queen ka pa din ng mga sakit", inosenteng sabi ni chase. Hindi ako makapag react sa mga pinagsasabi nya, kilalang kilala nya talaga ko pati ba naman pasa ko tuwing may regla ako napansin pa nya.

Sometimes i really hate chase but sometimes i'm really thankful dahil dumating sya sa buhay ko, diba nga bestfriend ko sya... Correction Childhood Bestfriend pala.

Maya maya lang dumating na yung mga pagkain namin, syempre dahan dahan lang ako sa pagkain dahil nga nahihilo ako after kong kumain pinainom na ko ni chase ng gamot naka ready na agad, ang totoo lagi nyang dala yang gamot ko.

Hinatid na ko ni chase sa condo ko umalis na din sya agad dahil may gagawin daw sya, syempre ako hindi ako tanga kaya nagpahinga na ko.

=======


The Queen of Badass and The Queen of KindnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon