Chapter 20

1.2K 33 0
                                    

===Deinielle===

Habang nag-aantay ako dito sa may bench may nakita akong mga member ng Seraph of The Blood Gang.

"Shit!", Mahinang sabi ko. Patay hindi nga pala ako naka attend ng laban namin ni rex. Yung rules! bwiset!

Paalis na sana ako ng biglang may narinig akong preno sa gilid ko. Good chase! Nice timing.

Dali dali akong pumasok sa kotse ni chase, baka mamaya makita pa ko ng Seraph hindi pwede yun.

"Its nice to see again the real queen... Queen of Gang and the Queen of Baddass", mapang asar na sabi ni chase.

"Shut up, chase!", Suway ko sa kanya habang nagmamasid sa labas

"Tara na! Bilis!", Utos ko sa kanya. Sumunod naman sya sakin.

"Chase! Hindi ako nakaattend sa laban namin ng seraph!", Galit na sabi ko kay chase.

"Oh? Ano ngayon?", Walang kwentang sabi nya.

"Chase! Ano ba?! Yung rules namin ni rex, kung sino ang hindi um-attend papatayin", sabi ko kay chase.

"Talaga? Kailan ka pa ba sumunod sa rules? Tsaka papayag ka ba na patayin nila?", Sabi ni chase.

"No way!", Automatic na nasabi ko.

"Yun naman pala eh", sabi nya. No! Hindi pwede to.

"Chase... Ang problema si Janielle, kung nandito ang seraph at habang buhay hahanapin ako hindi ako pwedeng bumalik sa cereko at hindi kami pwedeng magpalit ni janielle. Delikado ang buhay nya", nag aalalang sabi ko. Napatingin naman sakin si chase na parang nagtataka.

"Bakit ganyan ka kung mag alala kay janielle?", Tanong ni chase. Napatahimik naman ako saglit, hindi ko din alam. Basta... Ayoko syang mapahawak, nakakainis diba nag aalala ako sa taong ngayon ko lang nakita. No! Baka siguro nag aalala lang ako dahil kamuka ko sya. Mahirap man isipin pero... Kakambal ko ba sya?.

"I need to find out, chase. Bakit kami magkamuka?", Nagtatakang tanong ko.

"Wala ka bang alam sa history mo?", Tanong nya.

"Wala, normal lang ang alam ko. Pinangak ako sa cereko nung june 15, 1998. Magulang ko si Alberto Parkinson at Ellina Parkinson, no siblings", sabi ko sa kanya. Yan lang ang alam ko.

"Kung magkambal kayo... Sino ang tunay nyong magulang?", Tanong ni chase sa sarili. Yun ang kailangan kong malaman. Kaya pala all this time nararamdaman kong kulang ang pagkatao ko.

"Basta chase sa ngayon kailangan ko munang magpanggap na si janielle at si janielle na ako", sabi ko sa kanya.

"Pagkauwi mo, ipa-imbestiga mo kay calix ang magulang o kanuno-nunuan ko pa pati na rin si janielle", utos ko sa kanya.

"Yes Queen, ako nang bahala kay janielle", sabi ni chase.

"At sabihin mo sa kanya na wala na ko... Sabihin mo namatay ako, ayokong mag alala sya", sabi ko kay chase. Hindi ko pa kilala si janielle pero base sa mga tao sa buhay nya, mga nakapaligid sa kanya at pati na mommy nya halatang mapagmahal at mabit syang anak.

Wait, don't tell me... Magpapanggap akong mabait? Crap!

Nakita ko sa peripheral view ko ang pag ngisi ni chase nahalata nya yata kung ano ang nasa isip ko, ganyan si chase mabilis makabasa ng iniisip.

"Alam mo ba queen na... Napaka masayahing tao ni janielle", sabi nya tapos ngumisi. Napairap na lang ako.

"Tapos queen iyakin din sya at mahal na mahal nya ang mommy at daddy nya", sabi pa ni chase, sige chase mang asar ka lang.

"At alam mo din ba queen na ang takaw nyang kumain", oo na chase, mahirap na ang ugali nya. Pwede bang tumigil ka na?!.

"At~~"

Hindi pa natatapos ni chase ang sasabihin niya ng may nakatutok ng balisong sa kanyang leeg.

"Hahahahaha!", Malakas na tawa ni chase habang nagda-drive.

"Fuck you chase!", Galit na sabi ko sa kanya. Inalis ko na din yung balisong sa leeg nya at ibinalik sa glove bax ng kotse nya.

"You are really deinielle", sabi pa nya na aliw na aliw. Siguro nga magkaibang magkaiba kami ni janielle ng ugali dahil kanina pa ko inaasar ni chase para magalit.

"Dalhin mo ko sa... Sa... Sa... Ano...?", Ano nga ba ang pangalan ng lugar nang bahay na yun? Nakita ko yun kanina eh.

"Ano queen? Sa ano?", Asar na sabi ni chase. Tinaasan ko na lang sya ng kilay. Sa E-Eerie City ba? Oo yun nga yata.

"Sa Eerie City", sabi ko.

"Yes boss", sabi nya. May GPS naman si chase kaya hindi sya nahirapan dalhin ako dun.

Pinatigil ko na kay chase yung sasakyan, nandito palang kami sa pinakang labas ng Eerie City.

"Dito na ko", sabi ko sa kanya, nang akmang baba na ko hinawakan ni chase ang braso ko.

"Wait, queen", sabi nya tapos nagulat ako sa sunod nyang ginawa niyakap nya ko.

"Na miss kita deiny", mahahalata mo ang seryoso sa boses nya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi?, na miss nya ang tunay na ako hindi bilang queen hindi bilang gangster kundi bilang si Deinielle Parkinson ang matalik nyang kaibigan.

"Oy tama na yan, tsansing ka na eh", sabi ko tapos tinanggal na ang pagkakayakap nya.

"Sige na, alis na", sabi nya tapos pinagtulakan pa ko palabas. Wow ha kanina lang ang bait tapos naging ganyan, tsk.

Inantay ko munang umalis si chase bago ako maglakad. Kabisado ko ang daan papunta sa bahay nila janielle, tinandaan ko talaga ang daan para makabaliko agad.

Itong lugar na to parang subdivision, maraming bahay bahay, malinis at malawak ang lugar.

Habang naglalakad ako naramdaman kong parang may nagmamasid sakin, tumingin ako sa likod para makita kung meron man. Wala naman, hindi ko na lang pinansin baka guni guni ko lang yun.

Pagdating ko sa bahay nila janielle pinagbuksan ako agad ng gate nung guard nang makita ako.

Tapos pumasok ako sa loob sinalubong naman ako ni manang.

"Princess yung mommy mo nasa hospital", sabi nya, hindi ko alam kung anong ire-react. Pano ba? Hindi ko naman kase talaga sya mommy.

"What?! Where is the hospital?! Bring me there now?!", Gulat gulatan at worried na sabi ko. Akala ko magiging succes ang pagpapanggap ko pero hindi pala, pano kase itong si manang pa ang nagulat sakin. Imbes na nag-aalala ang tono ko naging nakakatakot pa.

"Now!", Utos ko ulit, kumilos naman sya agad tapos dinala ako sa may garahe naka ready na din ang sasakyan may driver din.

Pagkadating namin sa hospital gising na ang mommy ni janielle at mukang nabuhayan ng dugo nang makita ako, pinalapit nya ko sa kanya at niyakap.

"Janielle wag mo nang uulitin yun ha? Ikakamatay ko kapag nawala ka", Sabi nya, nalungkot ako sa sinabi nyang yun at the same time parang naiinggit kay janielle. Mahal din naman ako ng magulang ko kaso kung maaksidente man ako, hindi sila pupunta dahil sa business, tatawag lang sila kung ok lang ba ako

"O-ok po m-mommy", sabi ko na nauutal, tama ba? Mommy? Mommy ba ang tawag ni janielle?.

"Good princess, I love you", sabi nya tapos niyakap ulit ako.

Ang sarap sa pakiramdam, ngayon lang ako nakaramdam ng inggit at sa taong kamuka ko pa.

Sino ba sya at ako?

Hindi ko na alam...

=======

A/N: please vote and comment po. Thankish

The Queen of Badass and The Queen of KindnessΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα